^

Punto Mo

‘Padulas system’ nina Martos at Felix

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nagbitiw na ang mga tong collectors ni ret. Calabarzon police director Gen. Jess Gatchalian at nagsarili na si OIC Chief Supt. Edwin Erni. Nakatingin ang lahat ng opisyal ng Calabarzon sa ngayon kay Sr. Supt. Tony Yarra, ang comptroller­ nila.

* * *

Hindi dapat nakasentro lang kay Supt. Evangeline Martos, ang budget officer ng Police Security Protection Group (PSPG), ang imbestigasyon na gagawin ni PNP OIC Dep. Dir. Gen. Leo­nardo Espina dahil sa pagkupit ng allowance ng mga pulis sa Pope Francis visit. Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na talamak din ang iba pang raket d’yan sa PSPG at sa tingin nila sabit din ang hepe ni Martos na si Chief Supt. Manny Felix. Maliban pala sa allowance sa Pope visit nagkaroon din ng fund raising si Martos at ang amo n’ya na ang biniktima ay ang mga VIPs na sinisilbihan ng taga-PSPG at pati mga pulis nila ay biktima rin ng raket na  tinatawag na letter order o LO. Si Martos ay sinibak ni Espina dahil sa pagkupit ng allowance ng pulis sa Pope visit subalit sa tingin ng mga kosa, sacrificial lamb lang siya para hindi na umabot pa ang indulto kay Felix. Boom Panes! Kaya pala galit at nagrereklamo na ang mga pulis sa PSPG ay dahil hanggang leeg na ang pamimitsa sa kanila ni Martos at amo niya, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ’yan!

Dapat busisiin ni Espina ang reklamo na noong Disyembre pala ay nagpakalat ng tiket ang PSPG sa kanilang mga VIPs na nagkakahalaga ng P10,000. Siyempre, nabanggit din sa raket ang pangalan ni Pope Francis. Walang magawa ang mga pulis kundi iabot sa kanilang VIPs ang nasabing tiket dahil good as sold ang mga ito. Ang ibig sabihin n’yan Gen. Espina Sir, sapilitan ito, di ba mga kosa! Boom Panes! Hehehe! Ang umayaw na VIP ay tatanggalan ng police escort!

Ang isa pang raket Gen. Espina Sir ay ang LO, na parang mission order na monthly kung iisyu sa mga pulis na naka-assign sa Police Escort Unit (PEU). Kadalasan kasi kapag humingi ng letter order ang mga pulis sa PEU, nagpapaiwan sila ng P200 hanggang P500 para panggastos ng opisina nila. Kung may 2,000 na taga-PEU ang naka-assign sa mga VIP sa labas, aba aabot din sa P200,000 monthly itong padulas sa mga taga-PEU, di ba mga kosa? Natunugan ang padulas system na ito ni Martos at Felix at ang ginawa, inagaw nila sa PEU ang pag-isyu ng LO. Boom Panes! Hehehe! Walang patawad talaga!

At simula noong Disyembre, nasa kay Martos na ang karapatang mag-isyu ng LO at ang masaklap hinanapan ng una ang mga pulis ng mga kopya ng LO nila mula Setyembre. Siyempre, kapag natapos na ang LO o mission order mo kadalasan itatapon mo na ito o dili kaya’y mawaglit na sa isipan mo, di ba mga kosa? Dahil walang maipakitang LO, halos 60 pulis ang na-pre charge ng liderato ni Felix subalit hindi nila binitawan ang VIPs nila dahil wala pa naman silang termination order. Pag nagkataon kasi baka makasuhan pa sila ng serious offense na abandonment of post. Tiyak ’yun!

Kaliwa’t kanan na ang mga kasong corruption sa PNP at maging si Pope Francis ay may mensahe tungkol dito. Kaya mahuhusgahan si Espina kung siya na ba talaga ang hulog ng langit para mamuno sa PNP o matutuloy lang ang praktis na takipan sa police organization. Abangan!

BOOM PANES

CHIEF SUPT

ESPINA

ESPINA SIR

HEHEHE

MARTOS

POPE FRANCIS

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with