^

Punto Mo

Pinakamatandang conjoined twins, pumunta sa Disneyland para mag-celebrate ng birthday

- Arnel Medina - Pang-masa

IPINAGDIWANG ng pinakamatandang conjoined twins sa kasaysayan ang kanilang ika-63 na kaarawan sa pamamagitan ng pama-masyal sa Disneyland.

Malaking bagay ang pagsapit ng ika-63 kaarawan ng conjoined twins na sina Ronnie at Donnie Galyon dahil nagawa na nilang lampasan ang matagal nang record na hawak dating pinakamatandang conjoined twins na sina Giacomo at Giovanni Battista Tocci. Higit sa pitong dekada rin na hawak ng kambal na Italyano ang record kaya talagang magarbo na ipinagdiwang ni Ronnie at Donnie ang kanilang ika-63 kaarawan.

Sinamantala na rin nila ang pagkakataon para makapunta sa Disneyland habang sila ay malakas pa at kayang magbiyahe.

Ipinanganak sina Ronnie at Donnie noong 1951. May tig-isang puso at tiyan ang dalawa ngunit magkadikit sila sa beywang at iisa ang kanilang mga bituka. Paghihiwalayin sana sila noon ngunit hindi pumayag ang kanilang mga magulang nang malaman nilang baka hindi makaligtas ang kambal sa gagawing operasyon. Nang lumaki na sila ay nagtrabaho sila sa mga karnabal na umiikot sa iba’t ibang bansa sa Amerika hanggang sa sila ay nagretiro noong 1991.

Hindi pa ganap na opisyal ang nakamit nilang world record dahil wala pa silang sertipikasyon mula sa Guinness ngunit hindi ito makakapi-gil sa sunod-sunod na party na kanilang isasagawa bilang pagdiriwang ng kanilang ika-63 kaarawan.

vuukle comment

AMERIKA

DONNIE

DONNIE GALYON

GIACOMO

GIOVANNI BATTISTA TOCCI

HIGIT

IPINANGANAK

ITALYANO

MALAKING

RONNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with