^

Punto Mo

‘Modus: Palit-pera gang’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAG-INGAT sa grupo ng mga kababaihan na naglilibot sa iba’t ibang lugar para makapanloko at makapambiktima.

Estilo nila, bumili ng produkto sa mga tindahan o sari-sari store. Pero ang kanilang layunin, lituhin ang kahera para makasalisi at makakulimbat ng pera.

Hindi sila lumalakad mag-isa, bagkus laging may ka-tandem o kasama. Ang una ang siyang kunwari bibili habang ang pa­ngalawa naman, manglilito sa kahera.

Ganito ang modus na inilapit sa BITAG T3 ng isang may-ari ng sari-sari store sa Pampanga na biktima ng palit-pera gang.

Hindi sana malalaman ng may-ari ang modus ng dalawang babae kung hindi niya nalaman na kulang ang ini-remit ng kanyang empleyado. Dahilan para rebyuhin niya ang naka-rekord sa kanilang CCTV camera.

Sumbong ng biktima at ayon na rin sa nakuhang bidyo, isang babae ang bumili ng gatas sa kaniyang tindahan. Nagbayad agad ito ng isanlibong piso.

Habang naghihintay sa sukli mula sa kahera, kinuha nito ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon.

Makalipas ang ilang sandali, agad niya itong ibinalik sa bulsa. Dito na umiral ang pagiging malikhain ng kawatan. Ibinalik niya ang brand ng gatas na binili. Kukunin na lang daw niya ang pera.

Ang walang kamalay-malay naman na tindera na abala sa pakikipag-usap sa isa pang babaeng kasama ng suspek, agad ibinalik ang isanlibo.

Pagka-abot ng pera, ibinulsa ito ng putok sa buho. Pero agad ding lumapit sa kahera at sinabing isandaan lang ang inabot sa kaniya.

Sa bidyo ng CCTV, pinalitan pala ng talpulana ang pera. Huli na ng malaman ng pobreng kahera at may-ari ng tindahan na myembro pala ng palit-pera gang ang dalawa.

Kaya sa mga kahera, maging ‘lerto sa inyong mga panunukli at pagbebenta. Dapat ding paalalahanan ng mga may-ari ng tindahan ang kanilang mga empleyado upang hindi masalisihan at maisahan ng mga dorobo.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

DAHILAN

DAPAT

DITO

ESTILO

GANITO

HABANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with