^

Punto Mo

Pira-pirasong Katotohanan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Mas maraming magagawa at matatapos kung hindi ka maghihintay ng papuri.

Huwag kang laging makikipag-away, baka mahuli ng kaaway ang iyong sekreto sa art of war.

Ang isang bagay sa mundong ito na mapapasaiyo nang walang kahirap-hirap ay ang pagtanda.

Sa trabaho, ang tao ay laging nag-uumpisa sa ibaba. Ang tanging trabaho na nag-uumpisa sa itaas ay ang tagahukay ng libingan.

Ang isang bagay na wala nang second chance ay ang first impression.

Ang mga taong hindi nagkakamali ay ’yung walang ginagawa.

Sino ang mga nabibigo?: 1) ’Yung mga nag-iisip na wala silang kakayahan 2) May kakayahan pero hindi nag-iisip.

Kung gusto mong mabago ang iyong mundo, baguhin mo ang iyong iniisip.

Ang manager ay ginagawa kung ano ang tama; ang leader ay itinatama ang kanyang ginagawa.

Ang buhay ay hindi laging maganda pero maganda pa rin ang mabuhay.

GINAGAWA

HUWAG

IYONG

KUNG

LAGING

NAG

SINO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with