Daming ‘balimbing’ sa Crame
FLASH Report: Nag-“hingi-huli” ang mga tauhan ni MPD OIC Sr. Supt. Rolando Nana sa mga pergalan sa Divisoria at Quiapo nitong nagdaang mga araw. Matapos makasuhan ang mga tao sa “hingi-huli” operation nila, bukas na naman ang pergalan ni Marissa malapit sa Quiapo church at ang kay Joel malapit din sa simbahan sa Divisoria. Kapag nasita ni NCRPO Chief Dir. Carmelo Valmoria ang mga bataan ni Nana, may depensa na sila at ang “hingi-huli’ nga. Nana talaga itong mga station commanders ni Col. Nana, no mga kosa?
* * *
Nagkaroon ng panibagong alignment of forces sa Camp Crame dahil sa walang sawang pag-endorso ni President Aquino sa kapasidad ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima. Sa isang TV interview, sinabi ni P-Noy na bilib pa siya sa kakayahan ni Purisima at malakas ang paniwala nito na malalampasan ng huli ang mga unos na dumating sa buhay niya. Si Purisima ay sinuspinde ng Ombudsman ng anim na buwan dahil sa mga kaso tungkol sa baril. At dahil sa pag-endorso ni P-Noy, alumpihit ang ilang police officials sa Camp Crame. Sa totoo lang, maraming police officials ang luminya na kay Dep. Dir. Gen. Marcelo Garbo, ang CDS ng PNP, matapos masuspinde si Purisima. Subalit dahil sa panibagong endorso ni P-Noy, nagbalikan din sila kay Purisima at iniwan si Garbo. Boom Panes! Hehehe! Hitik na naman ang bunga ng balimbing sa Camp Crame, di ba mga kosa? Kung sabagay, hindi lang mga pulis ang biglang kumambyo ng sampalataya kundi maging sibilyan tulad ng contractor na si alyas Opet na taga-Laguna. Dati-rati laman ng opisina ni Garbo si Opet subalit matapos ang TV appearance ni P-Noy makikita na siya sa ngayon sa White House. Hehehe! Weather-weather lang ‘yan, di ba mga kosa?
Si PNP OIC Dep. Dir. Gen. Leonardo “Dindo” Espina naman ay binigyan ng NAPOLCOM ng broad powers para mag-approve at magkumpirma ng samu’t-saring transaction o disbursements ng pondo ng PNP. Sa Resolution No. 2015-002, binigyan ng Napolcom si Espina ng karapatang pumirma sa kontrata ukol sa procurement ng serbisyo sa PNP, approval ng disbursements/payments ng mga financial transactions, pag-release ng pondo sa reserve funds for 2014, sign at countersign ng mga tseke, approval ng payroll pati sa NUP, at iba pa. Ang naturang resolution ay nagbigay din ng karapatan kay Espina na mag-appoint ng OIC sa iba’t ibang unit ng PNP at higit sa lahat ang pag-exercise ng disciplinary authority ng Chief PNP. Nagmukhang PNP chief na rin si Espina dahil sa Napolcom resolution, anang mga kosa ko. T’yak ‘yun! Pirmado ang 2-page na resolution ni DILG Sec. Mar Roxas at commissioners na sina Eduardo Escueta, Louie Palmera, Alejandro Urro, at Constancia de Guzman. Hehehe! Puwede nang matulog nang mahimbing si Espina, di ba mga kosa?
Kahit may broad powers na si Espina, lumakas naman ang ugong sa Camp Crame na babalik si Purisima sa kanyang trono dahil sa panibagong pag-indorso ni P-Noy. T’yak ‘yun! Humanda kayo mga balimbing! Abangan!
- Latest