^

Punto Mo

Magnet

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Minsan ay tinanong ng ex-convict ang mabait na pari.

“Mabait ba ang Diyos?”

“Oo”

“Kahit sa kagaya kong walanghiya?”

“Kahit pa sa pinakamasamang tao sa balat ng lupa pero marunong magsisi at humingi ng tawad sa Diyos.”

“Father, pagbibigyan kaya ako ng Diyos kung hihilingin ko sa Kanya na makita kong muli ang aking pamilya na nahiwalay sa akin nang mahabang panahon?”

Kumuha ng buhangin at iron filings (metal na kasing pino ng buhangin) ang pari. Pinaghalo niya ito. Pagkatapos ay inilabas nito ang isang magnet.

“Naniniwala ka ba na may magnet ang hawak kong ito?”, tanong ni Father sa ex-convict.

Kumuha ito ng coins at idinikit sa magnet. “Oo, dumikit kasi ang aking mga coins.”

“Kung ganoon, naniniwala ka ba  na mapaghihiwalay ng magnet na ito ang pinaghalong buhangin at iron filings na ito?”

“Siyempre Father, kakabit sa magnet ang lahat ng iron filings”

“Kung naniwala ka  sa kapangyarihan ng magnet,  bakit mo pinagdududahan ang kabutihan ng Diyos?”

DIYOS

KAHIT

KANYA

KUMUHA

MABAIT

MAGNET

NANINIWALA

OO

SIYEMPRE FATHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with