^

Punto Mo

‘Holiday Heart Syndrome’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BAHAGI ng serbisyo-publiko ngayong bagong taon, muling­ nagpapaalala ang BITAG Live sa publiko lalo na sa may mga heart condition at metabolic syndrome.

Ito ’yung mga sakit o dinaramdam ng isang indibidwal tulad ng alta-presyon o high-blood pressure, diabetes, sakit sa bato, sakit sa atay at mga kauri nito.

Ayon sa mga dalubhasang lehitimo, lisensyado at aktibong doktor, nakukuha ito sa sobrang pagkain lalo na ng mga matataba, maaalat, matatamis, maging sa sobrang pag-inom ng alak.

Lagi rin itong all points bulletin ng Department of Health (DOH) tuwing ganitong panahon. Ang tawag dito, holiday heart syndrome.

Baka hindi nga kayo namatay sa matinding depresyon o holiday blues pero baka madedo naman kayo sa sobrang saya sa rami ng mga nakahaing pagkain sa mesa.

Kasiyahan at puro pagdiriwang na lang kasi ang nasa isip ng marami kung saan nagkakatipon-tipon ang buong pamilya kaya hindi na namamalayan ang kanilang food intake.

Kaya sa may mga nabanggit na kalagayan at kondisyon sa kalusugan, maging ‘alerto sa bawat kinakain ninyo.

Mismong ang DOH na rin ang nagsabi, tumataas ang estatistika ng mga tinatamaan ng sakit partikular ng high blood pressure kapag ganitong sunod-sunod ang mga handaan.

Hindi ito pananakot, ito’y paalala lamang sa mga kinauukulan.

Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

KASIYAHAN

KAYA

LAGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with