^

Punto Mo

EDITORYAL – Salubungin ang Bagong Taon na buo pa ang mga daliri

Pang-masa

UMABOT na sa 140 ang mga naputukan, ayon sa report ng Department of Health (DOH) kahapon. At sabi ng DOH, habang papalapit ang paghihiwalay ng taon, nadadagdagan ang mga napuputukan. Ito ay sa kabila na walang patid ang kanilang paalala na huwag magpaputok at baka maputulan ng daliri, masabugan sa mukha at ma­bulag. Mayroon pa silang TV ad na nagpapakita sa mga batang naputukan sa daliri.

Pero wala pa ring kadala-dala ang marami sa­pagkat sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagpapaputok. Nangunguna sa ginagamit na paputok ay ang piccolo. Mga bata ang gumagamit ng piccolo. Pero pakunsuwelo ng DOH, mababa pa rin ang bilang ng mga napuputukan ngayon kumpara ng mga nakaraang taon.

Sa talaan ng DOH, 599 ang mga naputukan noong nakaraang taon at karamihan sa mga ito ay bata. Mas mababa naman ang naputukan noong 2012 na umabot lamang sa 419.

Sinabi ng DOH na isa sa pinaka-delikadong paputok ngayon ang piccolo. Mayroon daw nagmi­mintis na piccolo at pinupulot ng mga bata sa pag-aakalang hindi na puputok. Walang kamalay-malay na may sindi pa pala at biglang sasabog sa kamay. Kapag napinsala ang daliri, kailangang putulin iyon. May mga bata na nasabugan ng piccolo sa mga mata at nabulag.

Paigtingin naman sana ng PNP ang pagkumpiska sa mga piccolo para wala nang maibenta sa mga bata. Siguruhin lamang na hindi mare-recycle ang mga piccolo na kanilang kinumpiska. Baka pagkakitaan ito ng mga tiwaling pulis.

Pero ang makasisiguro pa rin sa kaligtasan ng mga anak ay ang mga magulang. Ngayong maghihiwalay ang taon, bantayan ang mga anak para hindi makapagpaputok. Ipaalala sa kanila na mas masarap salubungin ang Bagong Taon kung buo ang mga daliri. Huwag ipagsapalaran sa paputok ang mahalagang bahagi ng katawan. Laging isaisip ang pag-iingat. Sabi nga ng DOH, sandaling kaligayahan lang ang dulot ng mga paputok pero kapag nadis­grasya rito, habambuhay na pagdurusa sapagkat hindi na maibabalik o maikakabit ang naputol.

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

DOH

HUWAG

IPAALALA

MAYROON

PERO

PICCOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with