^

Punto Mo

Hotel sa Sweden, gawa sa yelo

- Arnel Medina - Pang-masa

KUNG ikaw ay mahilig magbakasyon sa mga lugar na malalamig, siguradong magugustuhan mo ang Sweden.

Bukod kasi sa nakapalamig na klima sa Sweden, ipinagmamalaki rin ng nasabing bansa ang kauna-unahang hotel sa mundo na gawa sa yelo. Bukod sa pagiging kauna-unahang ‘Ice Hotel’ ito rin ang pinakamalaki at isa sa pinakamaganda ang pagkakadisenyo.

Unang binuksan ang Ice Hotel noong 1989. Noon lang nakaraang Disyembre 12 ay binuksan ito sa publiko sa ika-25 beses. Tuwing taglamig lamang binubuksan ang Ice Hotel dahil siguradong matutunaw ito kung mainit ang panahon.

Pero kung tuwing Dis-yembre lamang ito binubuksan, buong taon naman ang pagtatayo nito. Umaabot kasi sa 1,000 toneladang yelo at 30,000 cubic meters na niyebe ang ginagamit sa pagtatayo ng Ice Hotel.

Nasa 100 katao ang kinakailangan sa pagbuo ng Ice hotel na mayroong 65 silid para sa mga bisita nito. Ayon sa mga nagkaroon na ng pagkakataon na manatili sa Ice Hotel, kailangan daw talagang makita ito nang personal para malaman ang kakaibang ganda ng mga silid nito na gawa sa yelo.

Hindi lamang pagtulog ang puwedeng gawin sa hotel dahil katulad ng isang pang­karaniwang hotel ay may sarili ring restaurant ang Ice Hotel.

Tinatayang nasa 55,000 ang mga bumibisita sa Ice Hotel taun-taon.

AYON

BUKOD

DISYEMBRE

HOTEL

ICE

ICE HOTEL

PERO

TINATAYANG

TUWING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with