^

Punto Mo

Gobyerno, maging mabangis sa mga magpapaputok ng baril

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT iparamdam ng gobyerno ang bangis nito laban sa mga magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sana ay tiyaking mapaparusahan ang sibilyan man o pulis at sundalo na magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Tuwing sa pagsalubong sa Bagong Taon ay hindi nawawalan ng insidente ng pagpapaputok ng baril kung kaya panahon na upang gumamit ng kamay na bakal ang gobyerno.

Kung maari ay mas mabigat na parusa ang ipataw sa mga pulis at sundalo  dahil bilang  otoridad ay sila ang modelo o halimbawa na magpapatupad ng batas.

Bukod sa pagkakasibak sa serbisyo ay dapat na bilisan ang pag-usad ng kaso sa korte upang mahatulan at agad na makulong.

Wala pa kasing nababalita kung may nahatulan na ng korte ang isang nagpaputok ng baril at ngayon ay nakakulong na.

Kung hindi makapagpapakulong ang gobyerno ng mga aabuso sa pagpapaputok ng baril ay asahan natin taun-taon ang ganitong kaso.

Likas na yata sa mga Pilipino na kailangan ang kamay na bakal o mahigpit na pagpapatupad ng batas upang sumunod ito.

Puwede kasing magpiyansa sa kasong pagpapaputok ng baril at kung nakatama at nakapatay ay homicide lang na maaari ring maglagak ng piyansa.

Samantala, sana naman ay pag-isipang mabuti ng lahat ng mga lokal na opisyal sa Metro Manila ang pagbabawal sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon at hayaan na lang ang gobyerno na magsagawa ng fireworks display upang makaiwas sa sakuna at trahedya ang mamamayan.

BAGONG TAON

BARIL

BUKOD

LIKAS

METRO MANILA

PILIPINO

PUWEDE

SAMANTALA

SANA

TUWING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with