^

Punto Mo

Makukulay na laruan, baka may ‘lead’

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

Maligayang Pasko po sa lahat.­ 

* * *

KAPAG ganitong Kapas­kuhan, sangkaterbang laruan na naman ang available sa mga pamilihan. Siyempre, lahat ng bata ay nag-aabang na makatanggap ng laruan kapag Pasko. Sabi nga, mahal man o mura ang laruan ay hindi gaanong mahalaga. Sadyang may kakaibang appeal ang mga ito lalo na’t talaga namang kay kukulay!

Ayon sa EcoWaste Coalition, isang organisasyong nagsusulong na protektahan ang mga bata laban sa masamang epekto ng lead (tingga), mapanganib ang kemikal na ito. Karaniwang ginagamit na sangkap ito sa paggawa ng baterya, pintura, at iba pa. Kasama sa top ten na mga laruang mataas ang content ng lead ay ang mga mini-cars (mga matchboxes), trumpong kahoy na makukulay, mga laruang plastic na tau-tauhan at mga maliliit na animals, soft balls/squeeze balls, jigsaw puzzles at mga watercolours.

Ang mga laruang kagyat na nabe-bend (kung kaya’t flexible) ay mayaman din sa lead na nagsisilbing “additive” para higit na madaling ihulma ang mga plastic na ito. Karamihan din sa mga ipinamimigay ngayong Pasko ay mga mugs, tasa, at plato na kapag makulay (pinturado o glazed) ay posibleng mayaman din sa lead.

Ang lead (o tingga) ay lason sa ugat; tinatawag na “neurotoxin.” Naaapektuhan nito ang pag-unlad ng utak at ang nervous system ng mga batang maliliit pa lang. Higit itong mapanganib sa sanggol sa sinapupunan (fetus pa lang), sa sanggol mismo, sa mga batang anim na taong gulang at pababa, at maging sa mga buntis o nagdadalantao.

Karamihan pa naman sa mga laruang nakatinda ngayon sa pamilihan ay para sa mga batang edad 6 pababa kaya mahalagang makontrol o mapahinto ang paggamit ng lead sa mga iba’t ibang produkto na nasa ating paligid.

Bukod sa posibilidad ng pagkapinsala ng utak dulot ng lead, posibleng magdulot din ito ng pagkaantala sa paglaki ng buto at laman ng katawan; paghina ng katawan; problema sa pandinig, pagsasalita, at pagkakatuto; pagkakaroon ng mababang IQ (Intelligence Quotient); at ang pagiging agresibo at marahas. Kung hindi dadaluhan at pababayaan, ang madalas na lead exposure ay maaaring magbunga ng mental retardation, pangingisay (seizure), coma, at kamatayan.

Posible bang may mga tingga tayo sa bahay o eskuwelahang pinapasukan?

Oo. Dahil lahat naman halos ngayon ng bahay at eskuwelahan ay pinturado. Pangunahing pinagmumulan ng lead exposure sa mga bata ay ang mga pinturang nababakbak na (kung ito ay ang pinturang may sangkap na lead). Kapag kasi nabakbak na ang pinturang ganito, maaaring madurog ito at tuluyang humalo sa alikabok, lupa, at tubig ang tinggang ito at aksidenteng malulon. O puwede ring malanghap natin ang tinggang ito sa hangin.

Mag-ingat sa pagbili ng laruan o regalong school supplies nga­yong kapaskuhan. Wala nang mas gaganda pang handog sa mga bata ngayong Pasko kung hindi mga laruan at kagamitang ligtas at wala ni katiting mang sangkap na lead. (May karugtong)

AYON

BUKOD

INTELLIGENCE QUOTIENT

KARAMIHAN

LEAD

MALIGAYANG PASKO

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with