Bumabagal ang metabolismo
MINSAN kahit anong ehersisyo at pagdidiyeta, hindi mo alam kung tama ang iyong kain, at lalong pinababagal ang metabolismo. Kaya iwasan ang mga sumusunod na gawain:
1. Huwag tanggalin ang ang gatas, keso, yogurt sa diyeta. Ito ay dahil mainam na source ng protein ang whey at casein. Ang whey ang responsable sa pagdebelop ng mga kalamnan, habang casein naman ang nagmi-maintain nito. Ako ay kumakain araw-araw ng greek yogurt na may kahalong prutas at honey.
2. Hindi masyadong malamig ang kuwarto at tubig. Kapag mas malamig, lalo na ang loob ng katawan mo, mas mabilis ang pag-burn ng calories. Kaya nga dapat ay ice-cold water ang iniinom mo dahil napupwersa ang iyong katawang painitin ito, in effect ay napapatulin ang metabolismo mo.
3. Tinanggal nang tuluyan ang carbs. Epektibo ang diyetang mababa ang carbohydrates kaysa fat. Pero ang totally i-eliminate ang macronutrient na ito sa diyeta ay masama rin. Lalo na kung lagi kang nag-eehersisyo. Kailangan ng iyong katawan ang glycogen mula sa carbohydrates na inimbak ng katawan mo. Kung wala nito, wala kang lakas na mag-ehersisyo ng maayos at ng intense. At dahil mahina ka, hindi karamihan ang maba-burn mong calories. Kailangan ay may isang serving ka ng carbohydrates kada meal --- brown rice, kamote at oatmeal.
4. Minamadali ang pagbubuhat. Two motions ang kalakip ng pagbubuhat - ang lifting at ang lowering motions. Ang pinakamalakas mag-burn ay ang pagbaba (sa bicep curls, bench press, deadlift exercises). Mas mabagal ang iyong pagbaba, mas mainam. Huwag madaliin ang bawat repetition ng exercise. Damhin ang bawat hagod nito sa iyong kalamnan.
5. Mali ang iyong pagmemeryenda. Baka akala mo palibhasa’t meryenda ay treats o break din mula sa iyong tamang diyeta. Ang nuts, lalo na ang walnuts ay may taglay na kakayanang paganahin ang fat-burning capacity ng katawan. Ito na lang ang ngatain mo kaysa tsitsirya.
6. Napatunayan nang hindi ang tagal, ngunit ang kalidad ang pinakamahalagang factor sa effectivity ng workout mo. Kahit pa tatlong oras ka sa gym kung hindi naman napu-push ang katawan mo, balewala rin. Gayundin may mga workout na maiikli pero high intensity nga.
7. Nagdadagdag ka pa ng sea salt sa iyong pagkain. Mas malasa ito kaysa iodized salt, pero walang taglay na iodine, na kailangan ng thyroid gland na nagkokontrol ng metabolismo.
- Latest