^

Punto Mo

Manong Wen (140)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAY pinindot si Britney sa mga numerong nasa pinto. Apat na numero ang pinindot niya. Dahan-dahang bumukas ang pinto.

Natuwa ang mga dalagita.

“Paano mo nalaman ang lahat nang ito, Britney?’’ tanong ni Princess.

“Nalaman ko mismo sa hayop na si Chester. Nagkunwari po akong gusto na rin ang mga ginagawa niya sa akin hanggang sa sabihin niya ang mga sekreto ng lagusan na ito patungong Legarda. Akala po niya talagang gusto ko na rin siya.’’

“Pero bakit ikinulong ka pa rin niya kasama ng iba pa. Kung talagang napaniwala mo siya, bakit hindi ka niya isinama sa kanyang tirahan?”

“Baliw po siya, Ate Princess. May pagdududa palagi. May sakit yata siya sa pag-iisip.’’

“Dati ko siyang kilala, Britney. Katunayan, naging mag-on kami sa maikling panahon. Pero niloko niya ako. Nagkunwaring mahal niya ako pero yun pala, naudyukan lang ng kanyang mga ka-frat para ako paibigin. Muntik na rin niya akong gahasain.’’

“Alam mo po na pangit ang kabiyak na mukha niya?’’

“Hindi ko alam.’’

“Sinabuyan po ng kemikal ng isang babaing ginahasa niya. Napakapangit po niya. Mistula pong bungo ang kabiyak na mukha.’’

Shock si Princess.

Nang mahimasmasan, ipinagpatuloy nila ang pagtakas. Malapit na raw sila sa bunganga ng tunnel.

Samantala, nang mga sandaling iyon, nasapol ng metal na arnis ni Jo ang malaking aranya na may mga matulis na bakal. Nalaglag ang aranya. Tumbok niyon ang kinaroroonan ni Chester.

Tumingala si Chester. “Ha!”

Ang kasunod ay ang palahaw niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

APAT

ATE PRINCESS

BALIW

BRITNEY

DAHAN

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with