^

Punto Mo

‘Kay haba ng Gabi’

- Tony Calvento - Pang-masa

Nauubos ang ating lakas at pasensiya sa dami ng taong nakikipagsiksikan sa mga malls at kung minsan meron kang makikitang mga tao na sa sobrang pagod umuupo muna sa isang tabi maipahinga lamang ang kanilang patang-patang katawan.

Walang tatalo na mailapat mo ang iyong katawan sa sarili mong kama at makatulog nang mahimbing upang kinabukasan manumbalik na ang nawalang sigla.  Paano kung kahit anong pilit mo hindi ka makatulog? Ni hindi mo mahuli ang iyong antok. Ito’y isang abnormality na tinatawag na ‘insomia’.

“Hindi ako makatulog, para akong adik,” kwento ni Annie Larga, 54 taong gulang na taga Laguna.

Si Annie ay na-mild stroke dahil sa high blood at merong problema sa pagtulog. Upang maibsan ito naging takbuhan na niya ang hospital at lagi siyang nireresetahan ng tableta na pampatulog. Pero isang araw lamang ang bisa nito dahil sa susunod na gabi ay parang adik umano siya na hindi na ulit makatulog. Epekto naman ng mild stroke niya ang hirap nito sa pagkilos at nangingimay ang buong katawan.

Ito rin ang reklamo ng 55 taong gulang na si Ador Galoso. Nagpadala ito sa hospital nang hindi na ito makatulog dahil sa dalas ng pag ihi nito. Lalo itong na-alarma nang umihi na ito ng may dugo, kaya kinailangan na dumaan siya sa iba’t iba pagsusuri at napag-alaman na meron siyang prostate cancer.

Pinayuhan siya ng kanyang doktor na kumonsulta sa iba para sa second opinion, pero dahil sa takot nito na ma-operahan at wala ring sapat na pera ay umuwi na lamang sa kanila at nagpahinga.

Isang programa sa telebisyon ang nagpakilala kay Annie at Ador sa isang food supplement na nakakatulong umano sa mabilis na paggaling ng mga taong may malubhang karamdaman.

Ang food supplement na ito ay ang REH King’s Herbal na natuklasan ni Ka Rey Herrera. Galing ito sa mga ugat ng medicinal plants na nagta­taglay ng iba’t iba bitamina at mineral.  Ito rin ang food supplement na laging pinapabili kay Glaiza Atienza, 27 taong gulang, taga San Pablo City ng kanyang tiyahin.

“Ako palagi ang inuutusan ng tita ko na bumili ng King’s Herbal, napilay po kasi siya noong dalaga pa siya,” kwento niya. Si Glaiza ay minsan na ring naitakbo sa hospital dahil sa matinding pananakit ng likod at tiyan.

“Gumagapang na ako sa sobrang sakit, akala nga nung mga kasama ko sa bahay appendicitis dahil sumusuka din ako,” sabi niya.

Nalaman sa pagsusuri na siya ay may Urinary Tract Infection (UTI). Niresetahan siya ng mga gamot at naibsan ang sakit na naramdaman ngunit tumagal lamang ito ng isang buwan at babalik na naman ang sakit at hirap sa pag-ihi.  Hanggang sa sinubukan niya na rin uminom ng King’s Herbal.

Ayon sa kanya  nung inutusan muli siya ng kanyang tiyahin ay bumili na rin siya ng para sa kanya at sinubukan niya ito. Agad umano siyang nakaramdamng ng ginhawa at hindi na rin muling sumumpong ang kanyang sakit. Pareho rin ng resulta kay Annie, na pagkatapos nitong uminom ng halos dalawang bote, at unti-unti nawala ang pangingimay ng katawan at muli na niyang nagagawa ang mga gawaing bahay at nakakatulog na siya nang mahimbing sa gabi.

“Simula nung uminom ako, ang sarap ng tulog ko, kahit gaano ka­ingay basta nakaramdam ako ng antok, nakakatulog ako,” dagdag ni Annie.           

Maganda rin umano ang naging epekto ng REH King’s Herbal kay Ador. Nakaramdam siya ng kaginhawahan at hindi na rin siya pinupuyat ng madalas na pag-ihi sa gabi. Maliban sa ehersisyo, masusustansiyang pagkain at mga food supplements, kailangan din ng sapat ng pahinga at tulog. Ito ang paraan ng katawan upang makabawi ng lakas na ginagamit natin sa mga pang araw-araw na gawain.

Sa mga nais magtanong sa iba pang detalye tungkol sa REH King’s Herbal maaari niyo silang matawagan sa numerong 225-2025 o magtext sa 09087766666 at 09278888368.  

Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito maaari po kayong dumalo sa kanilang seminar tuwing Sabado alas-dos ng hapon sa kanilang tanggapan sa #603 R&J bldg., Quirino Highway, Bagbag, Novaliches doon ay makikita niyo si Ka Rey Herrera ang taong nasa likuran nitong herbal supplement. Maaari ring bisitahin ang kanilang facebook page i-type lang ang [email protected]. (KINALAP NI I-GIE MALIXI)       

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat” Lunes-Biyernes, 3:00PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Ang programang “PUSONG PINOY” na umiere naman tuwing Sabado, 7:00-8:00AM at makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna dito lang sa DWIZ882KHZ, Am Band.

ADOR GALOSO

KA REY HERRERA

RIN

SABADO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with