^

Punto Mo

Manong Wen (134)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“IKAW siguro ang kasama ng babaing nagtakas sa mga dalagita ano? Malas mo, dahil maya-maya lang ay paglalamayan ka na!” sabi ng lalaking nakahuli kay Jo at nakatutok sa batok niya ang malamig na dulo ng baril.

Relaks lang si Jojo. Kailangang maunahan niya ang takot. Dahan-dahan niyang dinukot ang sandata. Nakatiklop na metal iyon na ang laki ay parang sa hinlilit. Kapag ibinuka ang sandata ay magiging arnis at handang ipampalo sa lalaki. Kailangan lang ay tamang timing.

“Kasama ka ba ng babae? Sige magtapat ka na bago kita patayin. Ipagtapat mo na ang lahat.’’

Kumukuha na ng buwelo si Jo.

“Kung ayaw mong magtapat, si Boss Chester na ang bahala sa’yo. Mas malupit yun. Walang pinatatawad. Magsalita ka! Pipi kaba? Sige kung ayaw mong magsalita, kay Boss na lang ang bahala sa’yo. Teka at tatawagin ko…”

Pero bago natawag si Chester para magsumbong ang lalaki, umarangkada na si Jo. Mabilis na binunot ang metal na arnis at walang patumanggang hinataw ang lalaki. Dalawang matinding hataw ang pinawalan. Dahil malambot ang metal na parang latigo kapag lumapat iyon sa katawan ay nag-iiwan ng latay. Nabuwal ang lalaki at tumalsik ang baril. Hindi na magagawang makalaban ng lalaki dahil sa sobrang sakit na natamo sa arnis na metal. Nabuwal ang lalaki. Tulog agad ito na parang hindi na nalaman kung ano ang tumama sa kanyang katawan. Lumik­ha ng ingay ang pag­lagabog ng lalaki nang matumba ito sa suwelo.

Narinig ni Chester ang paglagabog. Nagtungo ito sa pinto.

Nakiramdam sa paligid.

“Kung sino ka mang demonyo ka, lumantad ka at lumaban nang sabayan. Huwag kang magtago sa dilim. Lumabas ka! Labas!”

Humakbang pa si Chester para ipakitang hindi siya nasisindak kaninuman.

“Ano, lumantad kang hayup ka! Kapag hindi ka lumantad, hahagisan ko ng teargas ang kinalalagyan mo at tapos ka, ha-ha-ha. Bibilang ako hanggang tatlo. Kapag hindi ka lumantad, todas ka. Isa…dalawa….tat…”

Lumantad si Jo.

Hinarap si Chester.

“Aha ikaw pala ang demonyo.’’

“Mas demonyo ka, Chester.”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO

BIBILANG

BOSS CHESTER

CHESTER

DAHAN

KAPAG

LALAKI

NABUWAL

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with