^

Punto Mo

Bata sa China, 13 taon nang katabi sa pagtulog ang higanteng sawa

- Arnel Medina - Pang-masa

TRESE anyos at nagbibinata na si Azhe Liu ng Dongguan, China at ganundin kahabang panahon niya katabi sa pagtulog ang isang higanteng sawa. Dahil sa kagila-gilalas na ginagawa ni Azhe, balitang-balita ang kanilang pamilya sa nasabing lungsod. Maraming nagtataka kung paano nakakatulog nang mahimbing si Azhe na katabi ang sawa.

Ilang buwan pa lamang naipapanganak si Azhe ay katabi na niya sa kama ang alagang Burmese python ng pamilya. Ngayong nagbibinata na si Azhe ay katabi pa rin niya sa pagtulog ang sawa, na ngayon ay 15-talampakan na ang haba at umabot na sa 220 pounds ang timbang.

Anim na taon nang alaga ng pamilya ni Azhe ang Burmese python noong siya ay ipina­nganak. Naisipan ng ama ni Azhe na sanayin ang sawa sa piling ng kanyang anak kaya pinabayaan niya itong makisalamuha sa bagong panganak na si Azhe.

Simula noon ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Lagi nang magkatabi matulog ang dalawa at hindi na rin nagdadalawang isip ang mga magulang ni Azhe na iwanan ang kanilang anak kasama ang higanteng sawa tuwing aalis sila para magtrabaho. Kapag mainit, ginagawa pa ngang unan ni Azhe ang sawa upang magpalamig.

Dahil sa kanyang karanasan na mamuhay kasama ang isang sawa ay pangarap na ni Azhe na maging isang zoologist paglaki upang lagi siyang may pagkakataon na makisa­lamuha ang iba’t ibang hayop.

AZHE

AZHE LIU

DAHIL

DONGGUAN

ILANG

KAPAG

LAGI

MARAMING

SAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with