^

Punto Mo

Maserati driver, sampolan

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MADALAS malantad sa publiko na may ilang traffic enforcer ang ina­akusahang nangongotong o sangkot sa katiwalian sa kalsada.

Pero sa pagkakataong ito ay nakuha ng MMDA traffic constable na si Jurve Adriarico ang positibong aten­siyon ng publiko at siya ay kinampihan kum-para sa bersiyon ng isang pribadong motorista partikular ang driver at may-ari ng Maserati sports car na nakilalang si Joseph Russel Ingco.

Ayon sa salaysay ni Adriatico, sinita niya si Ingco dahil nagtangka itong kumaliwa sa intersection ng Quezon Avenue at Araneta na bawal.

Bagamat hindi itinuloy ni Ingco ang pagkaliwa at gumamit ito ng u-turn slot ay pilit nitong nilapitan ang traffic enforcer na si Adriatico at sinita ang pagkuha ng video at dito na nagsimula ang tensiyon at pananakit.

Pero parang mahirap paniwalaan ang bersiyon ng may-ari ng sports car na siya ang minura at pinagbantaang papatayin ng traffic enforcer.

Sa kadalasan ay nakakainis nga ang ilang traffic enforcer dahil kapag magagarang sasakyan tulad ng SUV at sports car ang dumadaan ay tiklop ang mga ito at takot na manita sakaling may nilabag na batas trapiko.

Madalas na nagdadalawang isip ang ilang traffic enforcer na sitahin ang sakay ng magagarang sasakyan dahil baka ang may-ari ay isang opisyal ng gobyerno o mayaman.

Ang mabilis na hulihin at sitahin ng mga traffic enforcer ay ang mga tsuper ng jeepney, taxi, bus at pribadong moto-rista na hindi kagandahan ang sasakyan.

Bahala nang maglaban sa korte ang Maserati driver na si Ingco at ang traffic enforcer na si Adriatico pero kung susuportahan ng pamunuan ng MMDA ang kanilang tauhan ay hindi makapapanaig ang impluwensiya at kayamanan dito.

Kung mag-isa lang lalaban si Adriatico ay baka mabaliktad pa ang sitwasyon at ang lumitaw na may kasalanan at siyang nanakit ay ang kawawang traffic enforcer at makalusot ang motorista.

Dapat ay kumilos ang MMDA sampolan si Ingco at tiyakin na mapaparusahan ito batay sa ebidensiya upang magsilbing babala sa lahat ng motorista na aabuso sa kalsada at hindi kikilala sa kapangyarihan ng mga tagapagpatupad ng batas trapiko.

vuukle comment

ADRIATICO

ENFORCER

INGCO

JOSEPH RUSSEL INGCO

JURVE ADRIARICO

MASERATI

PERO

QUEZON AVENUE

TRAFFIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with