^

Punto Mo

EDITORYAL – Wala nang mangangamba sa mga taga-Pandacan

Pang-masa

SA wakas, nagdesisyon na ang Supreme Court para tuluyang paalisin ang oil depot sa Pandacan. At malaking katiwasayan sa isip ng mga residente sa Pandacan at kalapit na lugar ang pasya ng SC. Isang araw makaraang mailabas ang desisyon, sinabi ng mga taga-Pandacan na makakatulog na sila nang mahimbing. Hindi na raw sila kakabahan na mayroong sasabog. Hindi na raw sila mangangamba kung sasapit ang Bagong Taon na baka magkaroon ng pagsambulat mula sa depot matapos tamaan ng kuwitis o iba pang malalakas na paputok. Maaari rin daw itong targetin ng mga terorista sapagkat mas madaling pasabugin.

Mas marami ang may gustong alisin ang depot sapagkat mitsa ng panganib hindi lamang sa kanilang mga taga-Pandacan kundi pati na rin sa mga taga-Punta, Santa Ana at maging sa malapit sa Malacañang.

Ayon sa ruling ng SC, binibigyan ng SC ng 45 araw ang tatlong kompanya ng langis — Chevron­, Petron at Shell  na mag-submit ng relocation plan. Ipatutupad ang relocation sa loob ng anim na buwan. Sa pasya ng SC, nalusaw ang Manila City Ordinance 8187 noong 2009 at kapanahunan ni Manila mayor Alfredo Lim. Sa ilalim ng ordinansa, pinapayagan ang oil depot na magpatuloy ng operasyon sapagkat ang area umano ay heavy industrial zone. Nakita sa mga local na opisyal ng Maynila noon na mas pinaboran ang kikitain mula sa depot kaysa sa kaligtasan ng mga residente. Ma­linaw na mas mahalaga ang pera kaysa buhay. Hindi nakita ang maaaring mangyari sakali at magkaroon ng pagsabog o pambobomba sa lugar.

Maaaring sa Mayo o Hunyo 2015 ay mawala na ang oil depot sa Pandacan at magkakaroon ng lubusang katiwasayan ang mga residente roon. Wala na sila ni katiting na pangamba lalo na sa gabi.

ALFREDO LIM

AYON

BAGONG TAON

MANILA CITY ORDINANCE

PANDACAN

SANTA ANA

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with