Tulad ng Bugso ng Hangin
ISANG bahay ampunan sa Sri Lanka ang itinayo sa tabi ng dagat ng isang pastor na nagngangalang Dayalan Sanders. Ang Samaritan Children’s home na tinitirhan ng 28 bata ay malayo lang ng 200 yards mula sa dalampasigan. Noon ay umaga ng December 26, 2004. Tahimik lang ang kapaligiran nang biglang ianunsiyo ng isang staff ng bahay ampunan na may papalapit na higanteng alon sa bahay ampunan.
Sa loob ng isang segundo ay inipon ng staff ang mga bata at kaagad na isinakay sa bangka. Habang lumalapit ang tsunami ay tinitigan ito ni Sanders. Tumayo siya nang matuwid, itinaas niya ang kanyang mga kamay na parang pinipigil ang paglapit ng higanteng alon sabay sigaw ng:
“Sa ngalan ni Hesuskristo, inuutusan kong tumigil ka!!!”
Parang may isip… ang higanteng alon ay unti-unting huminahon, lumiit at naging isang pangkaraniwang alon na lang bago pa man ito makalapit sa mismong bahay ampunan. Ang mga taong nag-akyatan sa itaas ng puno para makaiwas sa higanteng alon ay namangha sa kanilang nakita. Para daw minadyik ang alon—mula sa pagiging higante hanggang sa pagiging maliit na alon. Nasira ang bakuran ng bahay ampunan ngunit ligtas ang lahat ng mga bata pati na ang buong village. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ang mga tao kapag naaalala nila ang nangyari. Noon nila napatunayan na mas mabilis dumating ang tulong ng Diyos kaysa rumaragasang baha. Ang kailangan mo lang ay mataimtim na paniniwala.
Ang ngalan ng Diyos ay katatakutan ng taga-Kanluran at dadakilain sa dakong Silangan. Tulad ng rumaragasang baha, darating ang Diyos tulad ng bugso ng hangin.—Isaias 59:19
- Latest