^

Punto Mo

Manong Wen (116)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAY lalaking lu­mabas sa gate, Jo!” sabi ni Princess.

“Huwag kang magpapahalata. Kunwari ay nagdadaan lang tayo rito.’’

“Tauhan kaya ni Chester ‘yan?”

“Posible.’’

Patuloy na naglakad ang dalawa. Nakasalubong ang lalaki na nakasumbrero nang tulad kay Palos. Parang itina­tago ang mukha. Hindi gaanong mapagmasdan ni Princess ang mukha ng lalaki at baka makahalata. Lumampas ang lalaki. Hindi naman lumilingon sina Jo at Princess.

Nang inaakala nilang malayo na ang lalaki ay saka sila lumingon. Pero nagtaka sila sapagkat wala na ang lalaki. Maaaring kumaliwa ito sa isang kalye na malapit sa simbahan.

“Nawalang bigla ang lalaki!” sabi ni Princess.

“Magmanman pa tayo. Palagay ko, babalik din agad iyon.’’

“Baka may bibilhin?’’

“Puwede ring nag-oobserba sa paligid. Mas mabuti kung huwag muna tayong bumalik at baka makahalata sa atin. At saka malay natin kung may CCTV sa gate at lahat nang dumaraan ay nakikita. Baka pagnakita tayo ay maghinala na mayroon tayong balak. At isa pa, baka mamukhaan ka ni Chester.’’

Nag-isip si Princess. Po­sible ngang mamukhaan siya.

“Huwag na muna tayong magdaan sa harap ng bahay. Kinakabahan ako, Jo. Baka nga mamukhaan ako. Bukas na lang tayo bumalik. Magsusuot ako ng cap bukas para hindi niya makilala.’’

“Okey sige. Bukas na lang tayo bumalik.’’

KINAGABIHAN, habang natutulog si Jo sa bahay biglang kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto si Princess.

“Jo! Jo! Buksan mo!”

Mabilis na bumangon si Jo. Binuksan ang pinto.

“Bakit, Princess?”

“Tungkol kay Precious!”

Kinabahan si Jo. Anong nangyari kay Precious?

(Itutuloy)

vuukle comment

ANONG

BAKA

BAKIT

BINUKSAN

BUKAS

BUKSAN

HUWAG

ITUTULOY

PRINCESS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with