^

Punto Mo

‘Modus: Subasta’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KASABAY ng paglobo ng populasyon ang pagtaas ng bilang ng mga mahihirap at walang kalidad na hanap-buhay.

Kaya naman, marami sa ating mga kababayan lalo na ang mga kababaihan, pilit nakikipagsapalaran kahit sa puntong pati sarili nila “ipapalapa” na, mabuhay lang.

Sa Pilipinas kung saan marami ang mga walang trabaho, hindi na ito bago. Kasabay na rin ng paglago ng teknolohiya, marami na ang mga pumapatol sa social networking sites sa internet.

Ito kasi ang nakikita nilang “lugar” kung saan mabilis ang lahat ng bagay. Maging ang pag-aasawa ng mga banyaga, hindi na malayong mangyari sa tulong ng mga match making site.

Ayon na rin sa mga sociologist, marami ang mga nahuhuma­ling dito sa pag-asang ito ang mag-aangat sa kanila sa kahirapan.

Ito naman ang nakikitang oportunidad ng mga dorobo para makapanloko.

Isa si Luisa sa mga nabiktima ng match making site sa internet. Tapos siya ng kursong Mass Communication sa isang unibersidad sa Metro Manila. Nag-asam na makapunta at mamuhay sa ibang bansa para makatulong sa kaniyang pamilya.

Ang paghahanap ng kabiyak sa website ang tanging nakita niya umanong mabilis at legal na proseso para maabot ang inaasam na kaginhawaan.

Subalit sa halip na karangyaan, kalbaryo ang kaniyang kinasapitan. Pumatol siya sa isang alok na pagpapakasal sa isang dayuhan na ipinakilala ng manager ng pinasukang match making site.

Sa madaling sabi, ikinasal siya sa isang koreano na mas matanda sa kaniya dalawang linggo lang matapos nitong makita ang kaniyang litratong inilagay ng manager sa nasabing website.

Pero makalipas ang ilang araw nilang buhay-mag-asawa, umalis din ang banyaga. At ang tanging naiwan lang sa pobreng dalagang si Luisa, ang pangakong babalikan siya na kailanman ay hindi na magkakaroon ng katuparan.

Panoorin ang modus ng mga match making site na nagsusubasta ng mga Pinay sa pamamagitan ng internet. Mag-log on sa bitagtheoriginal.com at i-click ang BITAG NEW GENERATION.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

AYON

ISA

LUISA

MASS COMMUNICATION

METRO MANILA

SA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with