^

Punto Mo

Palaisipan

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Sa ngayon ang bansa’y hindi mo malaman

kung makaaalis  sa kinaroroonan?

Mga dukha’t api sa loob ng bayan

magiging sagana hanggang kamatayan?

 

Makaahon kaya ang mga pulubi

maalis sa dusa at mga pighati?

Ang hangarin nilang buhay ay bumuti

ay tila malayong sa ngayo’y mangyari?

 

Ngayon ba’y may taong sa baya’y matapat

na di natatakot sa kulog at kidlat?

Kapag nagdaraan ang bagyo’t habagat

ay buo ang loob at di nasisindak?

 

Mga tao ngayong may hawak ng renda

ay namamayagpag at nagpapasasa;

Gayong milyun-milyon mga taong wala

hindi matulungan ng mga sagana?

vuukle comment

GAYONG

KAPAG

LOOB

MAKAAHON

NGAYON

SAGANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with