^

Punto Mo

Storm-proof family

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

“THERE is no such thing as a storm-free life. But you can make your life storm-proof.” Ito ang sinabi ng aming senior pastor na si Peter Tanchi. Para magawa, kailangang baguhin ang kalooban, hindi ang panlabas na kaanyuan ng tao. Kapag nanalasa ang bagyo, ang may matibay na pundasyon ang nakatayo di ba? Hindi porke at maganda ang pagkagawa sa bahay ay matibay na ito. Gayundin sa tao. Hindi porke puro ngiti, tawa at magagandang bagay lamang ang nakikita natin ay nangangahulugan kaagad na solido ang pundasyon nito.

Nagbigay ng limang aral at katotohanan mula sa Bibliya si Pastor Peter:

1. Love the Lord God with all your heart. Dahil kung hindi Diyos ang nasa sentro, talagang magkakaproblema. Dahil kung mahal ang Diyos, susundin mo Siya at Kanyang mga utos na pawang para sa ating kapakanan at kabutihan.

2. Mahalin mo Siya ng buong puso, pagkatao at kaluluwa. Kung ikaw ay hindi 100 percent na minamahal ang Diyos, huwag mag-expect na ang anak mo ay 100 percent din Siyang mamahalin. Ikaw muna, para maisalin ito sa anak.

3. Pagtiyagaan silang turuan at siguruhing sila ay matututo. Ang trabaho ng guro ay ma­sigurong natuto ang kanyang mga estudyante, hindi lamang siya basta-basta nagtuturo.

4. Spend time with your kids. Kunin at tutukan ang puso nila.

Ikalima, gawin ang iyong itinuturo. Gusto mo man o hindi, hindi naman ang sinasabi mo ang ginagawa ng anak mo, kundi ang nakikita niyang ginagawa mo. Gaya-gaya ang mga batang iyan. Kaya kailangang mag-ingat sa mga makikita nilang kilos at gawi mo.

5. Ang magulang ang pinakaimpluwensiyal sa buhay ng anak, lalo na ng mga bata pa. Maging mabuting halimbawa. Kaya pawang magaganda at mabubuti lamang ang gagawin mong tutularan nila. Magsalita ng malumanay at laging may pagmamahal kapag dinidisiplina sila.

Ang sikreto ng matagumpay na magulang ay ang pagkakaroon ng Diyos na hihingian ng grasya sa mga pagkakataong hindi mo kayang magpakita ng mabuting asal sa harap ng iyong anak. Kung susundin ang limang aral sa itaas, kakayanin ninyo ang anumang pagsubok sa buhay basta Diyos ang nasa sentro.

BIBLIYA

DAHIL

DIYOS

KAYA

LOVE THE LORD GOD

PASTOR PETER

PETER TANCHI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with