^

Punto Mo

Manong Wen (101)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGKAGULATAN ang dalawa. Hindi nila akalain.

“Princess!’’

“Mang Jo!’’

Hawak na ni Jo ang dalawang arnis na ginamit ni Princess sa pagtutok sa kanyang likuran.

“Akala ko may nakapasok na ibang tao. Ikaw po pala!’’

“Pasensiya ka na Princess kung pumasok ako rito! Sorry kung hindi ako nagpaalam.’’

Hindi makapagsalita si Princess. Saka inayos ang pagkakabalot ng tuwalya sa katawan.

“Kanina ka pa po Mang Jo?’’

“Oo.’’

“Nakita mo po ako habang nasa banyo at ….’’

“Oo, Princess. Patawad sa nagawa ko. Aalis na nga ako dahil nahihiya ako. Hindi kita dapat pinanood habang naliligo. Sorry Princess!”

Hindi pa rin makapagsalita si Princess. Nakita ni Mang Jo ang kahubaran niya. May nakakita nang lalaki ng kanyang katawan. Si Mang Jo ang nakakita nang iniingatan niyang katawan.

“Mapapatawad mo ba ako Princess?”

Nakatingin si Princess kay Jo. May iniisip.

“Bago kita patawarin, gusto ko munang malaman kung bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko sa cell phone mo. Ang tagal kitang tinatawagan para humingi ng tulong. Hindi namin malaman ni Precious ang gagawin sapagkat may mga taong nagbabanta sa amin. Wala kaming malapitan kundi ikaw subalit nakalimutan mo na kami. Sabi ko kay Precious, huwag na kaming humingi ng tulong sa ‘yo. Sabi ko baka nagkaroon ka na ng pamilya kaya ayaw mo na kaming tulu-ngan. Hindi ka pala lubos na maaasahan sa gitna ng panga­nib…’’

Matatag na sinagot ni Jo ang mga inihayag ni Princess: “Nasira ang cell phone ko ng panahong tumatawag ka sa akin. Matagal ko bago nabuksan iyon at nalaman na tumatawag ka sa akin. Pero nang ma­laman ko, agad akong nagpasya na magtungo rito. Katunayan, bumili ako ng bahay at lupa rito para mapalapit sa inyo. Ginawa kong lihim ang pagtira rito para malaya ko kayong masubaybayan. Gabi-gabi ay binabanta­yan ko kayo. Sa araw ay sinusubaybayan ko kayo sa school. Alam ko rin ang ginagawa ng mga tauhan ni Chester. Alam ko ang nangyari nang abangan ka ng dalawang lalaki sa gate ng school. Pumasok ako sa loob ng school para bigyan ka ng babala pero may tumulong na pala sayo. Alam ko ang paghihirap ng kalooban mo sa problemang dulot ng Chester na iyon. Hindi ko kayo kinakalimutan Princess. Paano ko malilimutan ang babaing may puwang sa aking puso?’’

Hindi makapagsalita si Princess sa mga sinabi ni Jo. Gulat na gulat siya sa nalaman. Si Jo yata ang guardian angel niya?

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

MANG JO

NAKITA

OO

PRINCESS

SABI

SI JO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with