^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakakahiya!

Pang-masa

KAILAN lang nangyari ang EDSA, Mandaluyong kidnapping na ginawa ng siyam na pulis mula La Loma Police Station 1 at ang ginawa ng pitong pulis mula sa Manila Police District (MPD) na sinasangkot sa robbery-extortion sa isang Pakistani casino financier, eto at mayroon na namang bagong kasong kinasasangkutan ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa pagkakataong ito, mga miyembro ng Southern Police District (SPD) ang sangkot. Inirereklamo ng panggagahasa ang hepe ng SPD Special Operations Group na nagsagawa ng raid sa Miss Universe Club sa Pasay City noong Oktubre 23. Ginahasa umano ni Supt. Erwin Emelo ang isang 20-anyos na nagtatrabaho sa club. Pagkaraang salakayin ang club, dinala ang mga babae sa SPD Headquarters. Dalawang babae ang dinala umano sa opisina ni Emelo at isa sa mga ito ang ginahasa. Sabi raw ng opisyal sa isang babae, huwag titingin habang may ginagawa kasama nito. Nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigations (NBI) ang biktima. Ayon sa report, sinibak na sa puwesto si Emelo. Ayon pa sa salaysay ng mga babaing hinuli sa club, masyado silang binastos ng mga pulis na nang-raid. Sinundan daw sila sa dressing room ng mga pulis at kinunan ng retrato habang nagbibihis.

Ang mga pulis na kasama ni Emelo sa pag-raid sa club ay sina SPO1 Rome Cantal, PO3 Roderick Alcantara, PO3 Richard Dumalaog, PO3 Michael Villano, PO3 Enrique Daya Jr., PO2 Eric Matthew Celario at PO2 Dwine Angelo Lalangan.

Nakakahiya na ang mga ginagawa ng ilang miyembro ng PNP. Sa halip na iangat ang kanilang organisasyon, dinudungisan pa nila. Wala nang pagpapahalaga sa kanilang sinumpaang tungkulin. Bagama’t may mga mabubuti at tapat na pulis, tila ba nasasapawan na sila ng mga may masasamang budhi at nagpapaguho sa PNP. Kakahiya na ang kanilang ginagawa. Sana maging maingat ang PNP sa pag-recruit ng mga bagong pulis. Piliin ang mga tunay na maglilingkod sa mamamayan.

 

AYON

DWINE ANGELO LALANGAN

EMELO

ENRIQUE DAYA JR.

ERIC MATTHEW CELARIO

ERWIN EMELO

LA LOMA POLICE STATION

MANILA POLICE DISTRICT

MICHAEL VILLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with