^

Punto Mo

Pag-aaksaya ng pondo ng NNC

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAPAKAGANDA raw ng proyekto ng National Nutrition Council (NNC) dahil sa humihikayat ito sa publiko na kumain nang tama at masustansiyang pagkain.

Naglunsad ang NNC ng kampanya na “10 kumainments” na nagsusulong ng healthy lifestyle. Pinapayuhang kumain ang mamamayan nang wasto tulad ng gulay at prutas araw-araw.

Lahat naman ng tao ay gustong kumain nang wasto at masustansiya pero ang problema ay ang perang pambili ng pagkain.

Batay sa pinakahuling survey ng (SWS) tumaas sa 43 percent mula sa 37 percent  ang nagsasabing sila ay mahirap at sumama ang kanilang kabuhayan.

Ang pangunahing kailangan ngayon ng mga Pilipino ay ang pambili ng pagkain at kung meron na sila ay natural na mga masustansiya ang kakainin ng mga ito.

Dapat iparepaso na ng Malacañang ang lahat ng direksiyon at kampanya ng mga ahensiya ng gobyerno na tila lihis ang kampanya na ginagastusan lang nang malaking pondo ng bayan.

Tulad sa NNC na nasa ilalim ng DOH, milyong piso ang inaaksayang pondo na nagpapayo sa publiko na kumain ng wasto at masustansiya samantalang ang pinaka-problema ay walang pera o walang pambili ng pagkain.

Sa ngayon, maraming mahihirap ang nagtitiyaga na kumain ng halos walang sustansiya tulad ng noodles at sardinas dahil mas mura.

Mas makakabuti siguro kung ang pondo ay gamitin sa wastong pamamaraan at tulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng pambili ng pagkaing masustansiya para sa malusog na pamumuhay.

Bukod sa NNC, marami pa ang ahensiya ng gobyerno ang nag-aaksaya ng pondo dahil sa lihis ang kanilang kampanya na hindi naman akma sa mismong pangangailangan ng taumbayan.

BATAY

BUKOD

DAPAT

LAHAT

MALACA

NAGLUNSAD

NATIONAL NUTRITION COUNCIL

PILIPINO

PINAPAYUHANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with