^

Punto Mo

EDITORYAL – Pagbigyan ang kahilingan

Pang-masa

MAGANDANG pangitain ang pagsunod ng United States na dalhin sa Camp Aguinaldo ang suspect na si PFC Joseph Scott Pemberton. Nagpapakita na sumusunod ang US. Sa nangyari, maraming umasa na mabibigyan ng katarungan ang ginawang pagpatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude. Maaring matahimik na ang kalooban ng pamilya ni Laude.

Pinatay si Laude sa isang motel sa Olongapo noong Oktubre 11. Natagpuan itong nakasubsob sa inidoro. Pagkalunod ang ikinamatay nito ayon sa ginawang awtopsiya. Nakakita ng mga ebidensiya (kabilang ang condom na may semen) sa motel na nagli-link kay Pemberton na positibong gumawa ng krimen. Nakunan din ng CCTV ang pag-akyat ng dalawa sa motel. May mga nagpapatunay na sina Laude at Pemberton ang magkasama bago naganap ang pagpatay. Malinaw na si Pemberton ang killer, base sa mga witness.

Subalit hindi sapat ang mga ebidensiya at witness, para madiin ang Kano sa krimen, kailangang makunan ng DNA sample si Pemberton at mai-match sa natagpuang semen. Kapag nagtugma ang DNA ni Pemberton sa natagpuang semen, dito ganap na madidiin ang sundalo. Wala na siyang kawala at tiyak na makukulong siya. Pagdudusahan niya ang ginawang pagpatay.

Subalit mangyayari lamang ito kung papayag ang United States na makunan ng DNA sample si Pemberton. Kapag nagmatigas sila, dito muling maguguho ang pag-asa ng mga kaanak ni Laude. Maaring makahulagpos na sa batas si Pemberton at katulad ni Lance Corporal Daniel Smith na naakusahang nanggahasa kay “Nicole” noong 2005, maaaring makalipad din palabas ang akusado sa Laude killing.

Kung tapat ang US sa kasunduang nakasaad sa Visiting Forces Agreement (VFA) dapat pumayag sila sa kahilingang makunan ng DNA samples si Pemberton. Irespeto ang kasunduan. Hayaang gumulong ang kaso hanggang maisilbi ang hustisya sa pinatay na si Laude. Hindi dapat ipagwalambahala ang kasong ito na buhay ang inutang.

CAMP AGUINALDO

HAYAANG

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

KAPAG

LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

LAUDE

PEMBERTON

SUBALIT

UNITED STATES

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with