Noong araw…
NOONG araw, kahanga-hanga ang mga tao sa kanilang pagiging mapagtiis para lamang sa kabutihan ng kapwa o ng ibang nilalang dito sa mundo.
Isang araw habang nagdadasal si St. Anthony ay hindi sinasadyang nailabas niya ang kanyang braso sa bintana dahil nakadipa siya habang nagdadasal. May isang ibong dumapo sa kanyang braso at doon ay nagpahinga. Kahit tapos na sa pagdadasal at ngalay na ngalay na ang braso sa pagkakadipa ay hindi niya iginalaw ang braso kahit isang saglit sa takot na maabala ang ibon sa kanyang pamamahinga.
Ngayon, kaya lang natin inilalabas ang ating mga braso sa bintana ay hindi upang magdasal kundi para ilabas ang cell phone upang makasagap ng signal.
Noong araw, sa mga middle class family, ang mga misis ay full time na ina at asawa. Bahay, asawa at mga anak lamang ang kanyang inaasikaso.
Ngayon, ang mga misis ay full time na sa kanyang trabaho sa opisina; full time pa rin sa trabaho sa bahay; full time sa mga anak; full time sa obligasyon bilang asawa. Sa sobrang pagod, mga bata pa ay dinadapuan na ng mabibigat na sakit hanggang sa mamatay. Kaya siguro darating ang araw na bihira na sa mag-asawa ang makakapagdiwang ng kanilang 50th wedding anniversary. Kaya sa pagkakataong ito, mas gugustuhin ko ang sitwasyon noong araw…
- Latest