^

Punto Mo

Dehado tayo sa VFA

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NASUBUKAN na naman ang mga probisyon sa kontrobersiyal na Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at US.

Maganda naman ang layunin sa VFA dahil nakakatulong ito sa mga pagsasanay  sa mga Pilipinong sundalo  gayundin ang paggamit sa mga makabagong armas at kagamitan.

Bukod dito ay makakatulong din sa ekonomiya lalo na sa mga lugar  na pagdadaungan ng mga barko ng mga Amerikanong sundalo. Marami pang maaring benepisyo ang Pilipinas sa VFA dahil magpapaigting ito sa diplomatikong relasyon sa US.

Pero heto na naman at muling nasasalang sa kontrobersiya ang VFA  dahil sa umano’y kasong pagpatay ng isang US Marine sa isang transgender sa Olongapo City.

Ayon kasi sa report ay napatay umano ang biktimang trans­gender na si Jeffrey Laude alyas Jenny 26-anyos at ang itinuturong pangunahing suspek ay si US Marine Private 1st Class Joseph Scott Pemberton.

At sa ikalawang pagkakataon ay muling masasalang sa kontrobersiya ang VFA  na batay sa paunang report ay lumi­litaw na dehado na naman ang Pilipinas dahil hindi puwedeng obligahin ang US government na i-turn-over ang suspek sa custody ng Pilipinas. Batay kasi sa VFA ay nasa desisyon ng US government na akuin ang custody o ibigay sa Pilipinas na malabong mangyari ito.

Normal lang din naman sa US government na kanilang bigyan ng sapat na proteksiyon ang kanilang sundalo at ma­tiyak na maibibigay ang pinakamainam na serbisyo at lahat ng karapatan para sa isang akusado.

Maaari naman mabago ang sitwasyon kung aamyendahan ang ilang probisyon sa VFA para maging patas sa Pilipinas sakaling mayroong lumabag dito na Amerikanong sundalo.

Pero ang aabangan natin kung makakalusot muli ang Amerikanong sundalo tulad ni Lance Corporal Daniel Smith na naabsuwelto sa rape matapos umatras ang biktimang si ‘Nicole’ na ngayon ay nasa US na.

AMERIKANONG

CLASS JOSEPH SCOTT PEMBERTON

JEFFREY LAUDE

LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

MARINE PRIVATE

OLONGAPO CITY

PERO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with