^

Punto Mo

EDITORYAL - Tanong at hamon sa DWSD

Pang-masa

SA report ng United Nations Children’s Fund (UNICEF­), tinatayang nasa 75,000 hanggang 85,000 ang mga batang kalye sa bansa. Sila yung mga batang nanlilimahid at gagala-gala sa mga kalye. Sa gabi, sa mga silong ng MRT, LRT, at mga tulay sila natutulog. Nakahanay ang mga katawan nila sa semento at walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Sa araw, sila yung umaakyat sa mga jeepney at nanghihingi ng limos. Ilan sa kanila ay may mga dalawang tambol na gawa sa lata ng gatas. Nag-aabot sila ng sobre sa mga pasahero ng jeepney.

Ang matindi ay ang masamang ginagawa ng ilang batang kalye na ‘namimitas ng hikaw’ sa mga pasahero ng jeepney. Maraming gumagawa nito sa Quiapo, Recto at Rizal Avenue. Nag-aabang na ang mga batang kalye sa mga pasahero ng jeepney at kapag nakakita ng ‘pipitasing hikaw’ ay agad na sasalakay. Magugulat na lamang ang pasahero na natangay na ang kanyang hikaw at nakatawid na sa kabilang kalsada ang batang kalye.

Mas matindi naman ang ginagawa ng mga batang kalye o batang hamog sa EDSA-Guadalupe, Makati kung saan, mga taxi ang kanilang binibiktima. Kapag may bumabang pasahero, sasalakay ang mga batang hamog at sasalisi para makuha ang cell phone at pera ng taxi driver. Kapag nakuha na ang pakay, tatawid na sa kabilang kalsada ang mga batang hamog at hindi na mahuhuli. O kung mahuli man sila, hindi naman makukulong sapagkat menor-de-edad. Dadalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) pero makakatakas din doon at balik sa kalye para gumawa uli ng kasalanan.

Halos lahat nang batang kalye ay gumagamit ng rugby o solvent. Nakasilid sa plastic na supot ang rugby at iyon ang sinisinghot. Para raw malimutan ang gutom kaya nagra-rugby. Unti-unti namang natutuyo ang kanilang utak.

Malaking hamon sa DSWD ang naglipanang batang kalye. Mayroon pa ba silang naiisip na paraan para masagip ang mga batang ito? May ginagawa pa ba silang paraan para mailigtas sa pagka-addict at pagiging criminal ang mga batang kapuspalad? O wala lang?

BATANG

DADALHIN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GUADALUPE

ILAN

KALYE

KAPAG

RIZAL AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with