Baguio
NOONG nakaraang linggo ay nasa Baguio ako dahil doon ginanap ang North Central Luzon Provincial Finals. Dahil dito, bibigyan ko kayo ng ideya kung saan masasarap kumain at ma-masyal kapag nasa Baguio:
• Kung ikaw ay vegetarian o mahilig sa Indian food, ang Bliss Cafe sa Hotel Elizabeth ang dapat mong bisitahin. Kung hindi mo mapakain ng gulay ang anak mo, okay dito dahil hindi lasang gulay ang vegetarian dishes!
• Brod Pitt sa Leonard Wood corner Brent Road ay sikat para sa kanilang garlic crispy pata at bukas hanggang late ng gabi.
• Pinaka-paborito ko sa Cafe by The Ruins ang kanilang kamote bread at Watercress salad! Panalo! Iba ang pakiramdam kapag doon kumakain, nakaka-happy! Winner din ang combo ng Queso de Bola Ensaymada na sinasawsaw sa Rizal’s Tsokolate!
Kung gusto mo ng mura pero busog na busog, mag-Mongolian ka na sa O’Mai Khan. Eat all you can ang BBQ doon.
Kung magising ka nang madaling araw at gutumin, huwag mag-alala dahil may 24-hour dine in at delivery ang Pizza Volante.
Kung may budget ka at gusto ng fine dining na pagkain sa Baguio, na puwedeng pang-date, sa Hill Station ka o Le Chef sa Manor Hotel. Masarap ang pagkain at napaka-romantiko ng ambience. The best ang mga iyon.
Kung gusto mo naman nang maraming mapagpilian, tumungo na sa Ketchup. Tabi-tabi doon ang mga kainan at outdoor ang seating. Presko.
Hindi puwedeng umuwi mula sa Baguio nang walang dalang walis, sariwang gulay, Good Shepherd Ube, Alfajores at Raisin Bread mula sa Le Chef o Baguio Country Club. Pero ayon sa mga lokal, ang pinakamasarap daw na Raisin Bread ay mula sa Palaganas Bakery sa Scout Barrio, malapit sa paradahan ng mga jeepney!
Huwag ding kalimutan ang Strawberry Taho na tanging sa Baguio lang meron.
Kung tanawin at pasyalan ang pag-uusapan, nandiyan ang Camp John Hay, Burnham Park, pangangabayo sa Wright Park, Mines View, Ben Cab Museum, Ifugao Woodcarvers Village, Tam-Awan Village, Botanical Garden, Diplomat Hotel na isang UNESCO Heritage Site, Kaliwaga Cave at Aguinaldo Museum.
- Latest