^

Punto Mo

EDITORYAL – Krak sa riles!

Pang-masa

NOONG Martes ng umaga, nagbabaan mula sa North Avenue Station ang napakaraming pasahero. Sa unang tingin, akala’y may nakitang bomba sa station kaya nagbabaan ang mga pasahero dakong alas singko ng umaga. Pero hindi pala bomba ang dahilan kundi walang biyahe ang MRT. Ayon sa mga pasahero, pinababa raw sila sapagkat walang biyahe dahil may nakitang crack o bitak sa riles sa pagitan ng Ortigas at Santolan Stations. Kailangan daw ayusin ang bitak sa riles sapagkat delikadong madiskaril ang tren. Dakong alas siyete ng umaga naibalik ang serbisyo ng MRT. Marami na namang naatrasado sa pagpasok sa kanilang trabaho at school.

Noong nakaraang linggo, may nadiskubre namang putol na riles makalampas ng Boni Station. Naging dahilan iyon para itigil ang biyahe ng MRT patungong Taft. Ayon sa management, kapag dinaanan, baka madiskaril ang tren.

Palubha nang palubha ang aberya sa MRT. Matagal nang nagtitiis ang mga pasahero pero wala naman silang magawa kundi tanggapin ang kapalaran. Pinagtitiisan nila ang MRT sapagkat mabilis pa rin ito kumpara sa mga bus na natatrapik sa EDSA. Kahit pa may nangyayaring aberya, hindi pa rin sila nagsasawang sumakay. Wala na silang pagpipilian pa. Maski nag-overshoot sa EDSA-Taft Station noong nakaraang Agosto 13 na ikinasugat nang maraming pasahero, tinatangkilik pa rin nila.

Wala na bang isinasagawang maintenance sa MRT kaya nagkakaganito? Kung nagkakaroon na ng bitak at napuputol ang riles, senyales na talagang masama na ang kalagayan ng MRT. May pagbabago pa kayang naiisip ang DOTC ukol sa MRT para matapos na ang kalbaryo ng mga pasahero?

Maawa naman sa mga pasahero ng MRT. Matagal na silang nagtitiis sa palpak na serbisyo. Nararapat na magkaroon nang pagbabago sa MRT na tinatangkilik nang maraming pasahero.

AGOSTO

AYON

BONI STATION

MATAGAL

MRT

NORTH AVENUE STATION

PASAHERO

SANTOLAN STATIONS

TAFT STATION

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with