^

Punto Mo

Modus sa taxi, dumarami!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dapat matututukan ngayon ng mga awtoridad ang madalas na pagkakasangkot ng ilang taxi driver sa mga nagaganap na krimen sa mga lansangan sa kasalukuyan.

Kung minsan pasahero nila ang mismong kanilang bini­biktima.

Iba’t ibang modus ang kinasasangkutan ngayon ng mga taxi driver na  dapat masubaybayan hindi  lang ng kapulisan kundi maging ng mga operator mismo ng taxi, dahil malamang na masangkot din sila kapag ang kanilang pag-aaring taxi ay madawit sa ganitong mga modus ng kanilang mga driver.

Una na nga dyan ang pagkakasabwat ng mismong mga driver sa operasyon ng ‘ipit taxi gang’.

Ilang insidente na nga ba ang naitala sa ganitong modus.

Ang istilo,  kapag may sakay na itong pasahero, hindi pa nakakalayo, ihihinto ang dalang taxi saka doon isasakay ang mga kasapakat at pagigitnaan ang kanyang pasahero.

Iikut-ikot nito ang sasakyan habang kinukulimbat ng mga kasabwat ang gamit at pera sa pasahero.

Kamakalawa naman,   nakunan sa CCTV sa isang barangay sa Pasig, ang ibang modus ng taxi driver na kasabwat ng mga holdaper sa pampasaherong jeep.

Ang taxi niya ang ginagamit na get away vehicle ng mga kawatan o holdaper sa mga jeep.

Kapag nakakulimbat na ang mga kasabwat sa kanya sasakay at siya ang magtatakas.

Malas lang nito, dahil sa mismong waiting area nila nakatutok ang CCTV, kaya nakunan ang dala niyang taxi.

Agad itong na-trace sa ope­rator kung sino ang may dala. Ayun laglag ang mga kolokoy.

Hindi nga ba’t ilan pang umano’y modus sa taxi, eh ang sinasabing spray daw na kapag naamoy ng pasahero nahihilo ang sakay. Doon na titiyempo ang driver na kulimbatin ang mga gamit nito.

Sa puntong ito, dapat ma­ging maingat ang mga ope­rator sa pagkuha ng kanilang mga driver, dahil baka imbes na kita ang dala sa kanila, eh mabigat na problema kung sangkot sa mga ganitong gawain.

Lalo na nga ngayon at papalapit na ang holiday seasons kung saan masasabing in demand na naman ang mga ito. Ang drama na naman ng marami dyan, eh ang mamili at mangontrata ng mga pasahero.

AYUN

DAPAT

DRIVER

IIKUT

ILANG

KAMAKALAWA

KAPAG

TAXI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->