^

Punto Mo

‘Anong meron sa Pangalan’

- Tony Calvento - Pang-masa

PAYAK na problema, simpleng solusyon ang kailangan. Kapag malaki naman ito, dadaan ka sa butas ng karayom.

Marami sa ating mas kilala sa bansag o palayaw kesa sa tunay nating mga pangalan. Ang mahahabang pangalan ay ginagawang isang pantig lang habang ang iba naman inuulit basta’t maganda sa pandinig. Tulad ng kwentong tampok namin ngayon sa aming pitak.

“Mauricio ang tunay kong pangalan, Mario for short. Sa palayaw kong ito na ako nakilala,” panimula ni Mario. Mula elementarya hanggang hayskul Mauricio De Vera Molina ang pangalang ginagamit ni Mario. Hanggang kumuha siya ng ‘vocational course’ na Auto-Diesel Mechanic.  “Naging Mario lang naman ako nung taong 1972 nung magtrabaho ako sa Camp Aquino sa Tarlac,” kwento ni Mario.  Si Mario, 65 taong gulang na ngayon ay dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Brunei. Mula 1983 hanggang taong 2006 drayber na si Mario ng isang Acting Defense Minister. Dito niya nakilala ang misis niyang si Felina “Lina”, dating Domestic Helper (DH).  Taong 1986 ng ikasal sila ni Lina sa Pilipinas sa Muntinlupa City.  Nagkaroon sila ng dalawang anak. Bago pa mangibang bansa itong si Mario, nagtrabaho na siya sa Tarlac sa Camp Aquino, Air Forces of the Philippines (AFP) bilang mekaniko, drayber sa dati niyang among si Col. Laconico Cipriano.

“Casual employees kami dun. Nung una under project fund kami, pero inilipat kami sa AFP Fund mas malaki ang sahod ko  dun,” ayon kay Mario. Dun na daw nagsimulang magbago ang pangalan niya. Mula Mauricio, Mario daw ang inilagay na pangalan ng kanyang amo sa AFP Fund. “Nadala na sa Department of National Defense (DND) ang listahan kaya hindi ko na napalitan…” ani Mario. Mula nung Mario na ang ginamit niyang pangalan sa mga dokumento at ID’s tulad ng lisensya, NBI Clearance, maging kanyang Passport.  Sa kanyang marriage contract at Birth Certificates ng kanyang mga anak “Mario Molina” din ang nakalagay.   “Pati sa Social Security System ko Mario nakalagay,” dagdag pa niya. Mula ng magtrabaho si Mario sa Tarlac nung taong 1972, nahuhulugan na ang kanyang SSS hanggang taong 1980. Pansamantalang nahinto ang hulog niya nung taong namalagi siya sa abroad subalit tinuloy niya ito nung taong 2003. “Pang Overseas Contract Worker ang halaga ng hulog ko. Malaki-laki rin nasa Php1,300 kada buwan,” ayon kay Mario.

Taong 2006 nang tumigil sa pagpunta sa Brunei si Mario hindi na rin siya naghulog sa SSS. Na­ging drayber ng barangay garbage truck si Mario sa Brgy. Bayanan Muntinlupa subalit ‘di na niya pinagpatuloy ang hulog sa SSS. “Sandali lang ako nagtrabaho dun. Maayos na rin ang trabaho ng mga anak ko. Sila tumutulong sa mga gastusin. Matanda na ako,” sabi ni Mario. Nitong ika-22 ng Setyembre 2014, 65 anyos na si Mario kaya’t naisip niyang kunin na ang benepisyo sa kanyang SSS.

Problema ni Mario, isa sa mga ‘requirements’ na kailangan ng SSS ay ang kanyang Birth Certificate kung saan  ang nakalagay na pangalan niya ay  “Mauricio Molina”. Gayung  Mario ang pangalang gamit niya sa SSS. “Makuha ko pa kaya ang benepisyo ko sa SSS? Dahil sa problema ko sa pangalan ko? Gusto ko na rin mabago pangalan ko…” sabi ni Mario.       

Ito ang dahilan ng pagpunta ni Mario sa aming tanggapan.

Itinampok namin siya ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ. (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12NN). Kinapanayam namin sa radyo si Ms. Lilibeth Suralbo, Communication Analyst ng SSS, main branch.

Nalaman namin kay Lilibeth na hindi nakakumpleto ng hulog itong si Mario. Naka-68 na buwan lang siya. Hindi man kumpleto sa hulog dahil ang kanyang kontribyusyon ay ‘maximum’ pang-OCW.  Makakatanggap siya ng lump sum na nasa halagang Php100,000 plus.

Tinanong namin si Ms. Suralbo tungkol sa problema nitong si Mario dahil lumalabas rin sa records ng SSS na Mario ang pangalang ginamit niya at magkakaroon ng problema kapag kumuha siya ng kopya ng kanyang birth certificate kung saan Mauricio (totoo niyang pangalan) ang nakalagay. Pinayuhan ni Ms. Suralbo si Mario na kumuha ng rekords sa Philippine Statistics Office (PSA) gamit ang  pangalan niyang “Mario Molina”. Dito lalabas na Negative o No Records. Saka magpatala for late registration. Ito ang pinakama­daling paraan para maresolba ang kanyang problema at makuha ang kanyang benepisyo sa SSS.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hanapin mo ang pinakamadaling lunas para ‘di ka na mahirapan pasubalit kung talagang gusto na niyang magpabago ng pangalan gaya ng kanyang sinabi sa amin dahil apat na dekada na niyang gamit ang kanyang alyas sa mga dokumento maging sa birth certificates ng kanyang dalawang anak at marriage contract nilang mag-asawa, kinakailangang niyang dumaan sa ligal na proseso. Sa R.A 9048, Sec. 1-Authority to Correct Clerical or Typographical Error and Change of First Name or Nickname - No entry in a civil register shall be changed or corrected without a judicial order, except for clerical or typographical errors and change of first name or nickname which can be corrected or changed by the concerned city or municipal civil registrar or consul general in accordance with the provisions of this Act and its implementing rules and regulations.

Maari niya itong ibago sa civil registrar sa kinasasakupang Munisipyo kung saan siya ipinanganak. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre Bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Land­line 6387285 / 7104038. O mag-message sa www.facebook.com/tonycalvento

KANYANG

MARIO

MULA

NIYA

NIYANG

PANGALAN

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with