^

Punto Mo

Maghintay ka lang…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

---and the Lord shall renew your strength…        

“NAKAKALAKAD ba ang ate?” mahina ang boses ng aking bunsong kapatid. Ang kausap niya ay aking mister. Iyon ang aking ikalawang araw sa ospital matapos akong ma-stroke. Kakarating lang ng aking kapatid mula sa probinsiya. Hindi malinaw sa kanya ang aking kalagayan. Kapag na-stroke, ang alam niyang isa sa naaapektuhan ay ang paglalakad. Nakapikit ako. Akala siguro ay natutulog ako.

“Naparalisado ang kanang katawan kaya mahina ang kanyang kanang paa. Kailangang akayin pagpunta sa bathroom,” sagot ng aking mister

Habang pinakikinggan ko ang usapan ay parang sinusuntok ang aking dibdib. Lalo pang tumambad sa akin ang masakit na katotohanan nang isakay ako sa wheelchair nang ilalabas na ako sa ospital. Kaya kong tiisin na ako ay hindi makapagsalita pero hindi ko kayang malumpo. Mahahalata lang ang pagiging pipi kapag may kakausap sa akin pero ang pagiging lumpo, hindi ko puwedeng ikaila sa mga tao. Noong oras na iyon, isinumpa ko sa aking sarili na makakapaglakad ako within a month. Ang paglalakad ang aking uunahin, saka ko na lang poproblemahin ang pagsasalita. Nagkatotoo ang aking kagustuhan, wala pang isang buwan, nakakalakad na ako nang normal.

Bago ako ma-stroke, may nabasa akong kuwento ng isang Amerikanong naging track and field athlete. Ang pangalan niya ay Glenn Cunningham na naging representative ng USA sa 1932 at 1934 Summer Olympics sa Berlin Germany. Ang kuwento niya ang ginawa kong inspirasyon noong lugmok na lugmok ang aking pag-asa sa buhay.

Noong walong taong gulang siya, aksidenteng nasunog ang kanilang classroom. Nasunog ang dalawa niyang binti. Mahirap na raw makalakad si Glenn dahil ang mga daliri niya sa paa ay natanggal sa sobrang pagkasunog. Halos wala nang natirang laman sa kanyang tuhod. Sa tulong ng kanyang mga magulang, unti-unting gumaling ang mga sugat ni Glenn. Araw-araw ay minamasahe ng kanyang ina ang kanyang mga binti. Isang umaga, habang ipinapasyal siya sa park, bumaba siya sa wheelchair at pagapang na nilibot ang paligid ng park. Habang gumagapang sa lupa, nagkaroon si Glenn nang matinding determinasyon na makalakad. Pinilit niyang tumayo sa pamamagitan ng pangungunyapit sa bakod. Pagkaraan ng dalawang taon, nakalakad siya, pagkatapos ay naging atleta pa siya ng track and field pagsapit sa high school at kolehiyo. Narito ang paborito niyang verse sa Bibliya na naging paborito ko na rin…at nagpaapoy sa aming determinasyong makalakad:

Isaiah 40:31: “But those who wait on the Lord shall renew their strength; they shall mount up with wings like eagles, they shall run and not be weary, they shall walk and not faint.”

AKING

AKO

BERLIN GERMANY

GLENN

GLENN CUNNINGHAM

HABANG

NOONG

SUMMER OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with