^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailan matatapos ang kalbaryo ng mga pasahero ng MRT?

Pang-masa

ARAW-ARAW, sakripisyo ang pagsakay sa Metro Rail Transit. Mula sa mahabang pila, pagkuha ng card, paghihintay sa siksikang tren at kapag nakasakay na, saka naman titirik habang nasa gitna ng biyahe. Walang magawa ang commuters kundi ang bumaba at maglakad sa nagbabagang init ng araw. Kailangang makasakay muli ng panibagong tren para makahabol sa opisina o school o iba pang appointment. Walang magagawa kundi pagtiisan ang araw-araw nang kalbaryo.

Madalas na ang aberya ng mga tren ng MRT ngayon. Tila kumalat na yata sa lahat ng tren ang depekto. Parang kinapitan na ng cancer na anumang oras ay matitigok.

Mula nang mag-overshoot sa EDSA-Taft Station noong nakaraang Agosto 13 ang isang tren ng MRT na ikinasugat nang maraming pasahero, nagkasunud-sunod na ang mga aberya. May pangyayari na bumukas ang pinto ng tren habang nasa gitna ng biyahe. Maraming nahintakutan sapagkat maaaring mahulog ang pasahero sa biglang pagbubukas ng pinto. May pangyayari na nag-panic ang mga pasahero sapagkat may umusok sa tren. Akala nila ay nasusunog na ito. May pangyayari na halos magkabukol-bukol ang mukha ng mga pasahero makaraang biglang magpreno ang drayber. May mga sumadsad na pasahero. May pangyayari pa na halos hindi makahakbang ang mga pasahero sa tren sapagkat napakataas ng flatform.

Kahapon, panibagong aberya na naman ang lumutang. Nadiskubre ang putol na riles sa may lampas ng Boni Station. Pa-south bound ang MRT dakong 7:45 ng umaga kahapon nang mapansin ang putol na riles. Naging dahilan iyon para hindi muna daanan ang riles. Kapag dinaanan, baka madiskaril ang tren. Naantala na naman ang biyahe ng MRT kaya maraming pasahero ang apektado.

Kailan matatapos ang kalbaryo ng mga sumasakay sa MRT? Kailan magkakaroon ng pagbabago sa MRT? Maawa naman sa mga pasahero ng MRT.

 

BONI STATION

KAILAN

METRO RAIL TRANSIT

MRT

MULA

PASAHERO

TAFT STATION

TREN

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with