^

Punto Mo

Ang konduktor

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG umagang nakasakay na ang lalaki sa bus at aktong magbabayad sa konduktor, napansin niyang nawawala ang kanyang wallet.  Nagpaliwanag siya sa konduktor na nawala ang kanyang wallet kaya wala siyang pambayad. Kaya’t naki­usap ang lalaki na ibaba na lang siya sa pinakamalapit na gas station. Kailangang may bubong ang kanyang bababaan dahil kasalukuyan noong malakas ang ulan.

“Sige, hayaan mo na lang,” sagot ng konduktor. Ibig sabihin ay okey lang na huwag magbayad ng pamasahe ang lalaking pasahero at magpatuloy na lang sa kanyang biyahe.

Natapos ang paniningil ng konduktor sa mga pasahero kaya tumabi ito sa lalaki at nakipagkuwentuhan. Sa palagay mo, saan nawala ang wallet mo? Uso talaga ang dukutan ngayon. Pahirap na nang pahirap kasi ang buhay.

Maya-maya ay iniabot ng konduktor ang P50 sa lalaki. “Pang-back-up mo. Sigurado… zero ka n’yan. Ibalik mo na lang kapag nagkita tayo.”

“Huwag na Brod, nakakahiya na sa iyo.”

“Sige, ’pag di mo tinanggap ’yan, sisingilin kita ng pamasahe. Liit lang ng Maynila. Sigurado  ako na magkikita pa tayo.” Sabay na nagkatawanan ang dalawa.

Noon  napagtanto ng lalaki, marami pa rin mababait na Pilipino­. Binabalanse kasi ng Diyos ang mundo, kung maraming masama, marami rin ang may mabubuting kalooban. Kung may isang mandurukot, may isang nilalang na tutulong sa nadukutan.

Ang kuwentong ito ay nalathala sa isang Facebook Page, Rappler’s Move PH na isinulat ni Patrick Vega. Nasa first person ang istilo ng kanyang pagkakakuwento kaya ipinalagay ko na karanasan niya ito. Ang matulunging konduktor ay si Augusto Liwanag ng Mannrose Liner. Sana, marami pang Augusto Liwanag­… para patuloy na magliliwanag ang Pilipinas sa kabila ng maraming kawatan!

AUGUSTO LIWANAG

BINABALANSE

DIYOS

FACEBOOK PAGE

HUWAG

MANNROSE LINER

PATRICK VEGA

SIGE

SIGURADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with