^

Punto Mo

Manong Wen (65)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKADARAMA ng security si Princess kapag kasama nila si Mang Jo. Katulad noon na dito natulog makaraang hindi makasakay ng bus sa bayan. Tuwang-tuwa siya nang bumalik si Mang Jo at sinabing dito matutulog. Ayaw lamang niyang magpahalata pero natutuwa siya. Hindi niya malaman kung bakit ganoon na lamang ang tuwang naram­daman niya nang magpalipas ng gabi rito si Mang Jo. Siguro’y dahil mabait ito. Pinag-aaral siya at binigyan pa ng puhunan sa pagbibi-bingka. Naalala niya  ang mga ikinuwento ni Mang Jo ukol sa panlolokong ginawa ng ka-live-in nito habang sila ay nasa Saudi. Napa-kawalanghiya ng babae na ang pangalan ay Gemma. Kinuwartahan lamang si Mang Jo. Hindi pala nito talaga mahal si Mang Jo. Kaya lamang nakipagrelasyon ay para huthutan ng pera na ginastos naman sa kalaguyo nito. Sabagay, nagbayad naman sa kasalanan ang Gemmang iyon. Nagpakamatay daw.

Kawawa si Mang Jo. Kung sino pa ang mabait at mapagmahal ay siya pa ang niloko.

Hanggang sa maisip naman niya ang nangyari sa kanyang tatay (Manong Wen). Niloko rin ito ng kanilang ina. Nakipagrelasyon sa iba. Masakit ang nangyari.

Si Mang Jo at ang tatay niya ay iisa ang kapalaran.

Biglang naisip ni Princess, ano kaya at sabihin niya kay Mang Jo na bumili ng lupa at bahay sa kanilang lugar at dito na manirahan. Mas maganda kung dito na siya tumira para mayroon silang kakampi ni Precious.

Mahirap kapag walang magtatanggol na lalaki. Pareho pa naman silang babae ni Precious. At nagdadalaga na si Precious. Maganda. Mas maganda pa yata kaysa kanya. Palagay niya maraming lalaki ang magkakagusto kay Precious.

Isang araw, papasok si Precious sa school. Hindi niya alam, pinagmamasdan siya ni Chester.  Napangisi si Chester. Nakita niya na dalaga na ang kapatid ni Princess at maganda. May naglalaro sa isip niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

BIGLANG

GEMMANG

HANGGANG

MANG

MANG JO

MANONG WEN

NIYA

SI MANG JO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with