^

Punto Mo

‘Dingdong at Marian’

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG merong tamba­lang “Dingdong at Marian’’ sa pelikula, meron din ganyang “loveteam” sa Manila Police District (MPD). Ang tinutukoy na Dingdong ng mga kosa ko sa MPD ay isang mataas na opisyal ng PNP samantalang si Marian naman ay opisyal din na may hawak ng isang unit. Putok ang balita sa MPD na si Marian ang may mando sa “tong collection” activities ni Dingdong. Kilala kaya ni MPD director Chief Supt. Rolando Asuncion si Dingdong? Si Marian kaya? Puwedeng i-email sa akin ni Asuncion ang kanyang sagot. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Mismo!

Dapat imbestigahan ni DILG Sec. Mar Roxas ang Dingdong-Marian “loveteam” sa MPD kung nais n’yang maarok ang ‘‘quota system’’ na umiiral sa PNP, di ba mga kosa? Kahit saan mang unit ng PNP lumingon si Roxas ay mayroong umiiral na “quota system” at madali niyang mapapatunayan ito dahil sa bakuran niya gumagana, hehehe! Boom panes!

Para sa kaalaman ni Roxas, bago isinagawa ang raid noong Biyernes ng mga tauhan ni Maj. Leo Vargas ang pergalan ni Emily sa San Pedro, Laguna tumira naman ang team ni Supt. Ormie, ang hepe naman ng Special Project Division (SPD) ng DILG sa Calamba City at nasabat ang siyam na personnel ng STL bookies ni alyas Gorge. Subalit pito lang ang na-inquest ng mga tauhan ni Ormie dahil ang kahero na si alyas Alan at isa pang personnel na si Jerome ay pinakawalan sa halagang P20,000. Parang bangketa rin ito tulad ng sa EDSA incident sa Mandaluyong City ah, di ba mga kosa? Ang dalawa namang personnel ng pergalan ni Emily ay pinakawalan din ng mga tauhan ni Vargas ng Office of the Internal Security (OIS) ng DILG, hehehe! Ang masaklap ngayon, pinatutubos ni Vargas kay Emily ang mga nakumpiska nilang ebidensiya. Nag-iipon kaya ng war chest si Roxas para sa 2016 elections? Nagmamadali ‘ata ang mga taga-OIS at SPD ng DILG at mukhang malaki ang quota nila. Tiyak ‘yun!

Pero sa tingin naman ng mga kosa ko, “Oplan Pagpakilala” lang itong mga raid na isinasagawa ng OIS at SPD dahil sa ngayon nag-iikot na si Ret. SPO1 Juancho Medalla, alias Jun Milan para magkaroon ng weekly payola ang dalawang opisina ng DILG sa mga pasugalan. Ang mga kinakausap ni Medalla sa ngayon ay ang mga STL operators sa Calamba City na sina Nato Opena na may ingresong P1.3 milyon; Dave Abcede sa Canlubang na may kubransang P200,000; Lawrence Masungsong sa P900,000 at Tita na may kubransang P1 milyon.

Hinihingan din ni Medalla ng P50,000 ang mga operators ng pergalan sa Calabarzon area sa usapang isang bagsak, na ang ibig sabihin mga kosa ay wala nang balikan, hehehe! Buking ka Jun Milan!

Di ba mayroong pinaiiral na “no take” policy si Roxas sa lahat nang illegal gambling? Bakit hindi natatakot sina Supt. Ormie at Maj. Vargas na suwayin ang kautusan ni Roxas? Maraming tanong na si Roxas lang ang makasasagot. ‘Wag kayong kukurap mga kosa! Abangan!

CALAMBA CITY

CHIEF SUPT

DAVE ABCEDE

JUANCHO MEDALLA

JUN MILAN

ORMIE

ROXAS

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with