^

Punto Mo

Uso ang patayan

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Laganap sa bansa ang mga patayan

ang mga biktima’y dukhang mamamayan;

kung kaya ganito marahil dahilan

mainit ang ulo ng makasalanan!

 

Ngayon ay tag-ulan panaho’y malamig

malamig na ulo dapat ginagamit;

mga nag-aaway sa lahat ng panig

upang ang patayan ay hindi lumawig!

 

Dapat ang maghari sa utak ng tao

mabuting isipan malamig na ulo;

kung ang nasa diwa ay laging magulo

tiyak ang pagpatay ay gagawin nito!

 

Pero kung ang diwa’y mahilig pumatay

pagkat nabuhay siya na isang kriminal;

ang dapat isipin ay maghanapbuhay

gumawa nang tama at mag-isip banal!

vuukle comment

DAPAT

KUNG

LAGANAP

MALAMIG

NGAYON

PERO

ULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with