^

Punto Mo

Bitay sa mga pulis na kriminal!

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DUMADAMI ang mga pulis na sangkot sa ilang gawaing kriminal at ilan sa kanila mga matataas na opisyal pa.

Patuloy naman ang ginagawang cleansing process sa PNP sa pangunguna ni Director General Alan Purisima. Walang tigil ang mga inilulunsad niyangg reporma.

Batay sa datos, simula noong 2011 ay nagtanggal na siya ng mga police scalawags na umaabot sa 330 at 728 ang nasuspinde.

Noong 2012, 301 ang nadismis at 623 ang suspendido  at noong 2013, 249 ang nadismis at 585 ang suspendido. Nagpapatuloy ang paglilinis sa mga bugok na pulis.

Hindi naman nilalahat,  mayroon naman talagang maitu­turing na matinong pulis at nagbibigay na katapatang serbisyo. Nasisira ang imahe ng PNP dahil sa ilang corrupt.

Dapat pag-aralang maipatupad ang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga aktibong nasa serbisyo sa gobyerno tulad ng mga pulis, sundalo at iba pang law enforcement agency.

Kapag pulis o iba pang law enforcer ang sangkot sa cri­minal activities  ay patawan nang mabigat na parusa. Parusang kamatayan ang ipataw sa kanila. Kung ito ang parusa, asahan na kung hindi man mawala, mababawasan ang mga otoridad na masasangkot sa krimen dahil ilang beses silang mag-iisip sa bigat ng parusa.

Hindi pa huli ang lahat. Isaayos ang imahe ng PNP para maibalik ang tiwala ng publiko dito.

 

BATAY

DAPAT

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

ISAAYOS

KAPAG

NAGPAPATULOY

NASISIRA

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with