^

Punto Mo

Biyaheng Mindanao

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

Hi Wanna Bet! Magandang araw sa ating mga kababayan diyan sa Pilipinas! Malapit na akong makabakasyon at sisiguraduhin kong makakalibot din ako sa iba’t ibang magagandang lugar at matitikman ang masarap na putaheng sariling atin. Miss ko na kasi ang ating bayan 15 na taon na ako rito sa Middle East. Lalo ko namimiss ang Pinas dahil sa mga pino-post mo sa iyong IG at FB. Tiyak na susulitin ko ang aking bakasyon kasama ang aking pamilya na talaga naman pinag-ipunan ko. Proud ako na lahat ng anim na anak ko ay napagtapos na naming mag-asawa. Can you give me an idea, saan-saang magagandang lugar na ngayon at saan masasarap ang pagkaing Pilipino?

— Ginang Genoveba of Middle East.

Salamat po sa pagtangkilik sa mga panoorin at programang tampok ang mga pinagmamalaki at mga dinarayong lugar.

Uunahin kong ibida ang mga napasyalan kong mga lugar sa parte ng Mindanao nitong nagdaang linggo.

Davao -- isang maunlad na bayan, malinis, disiplinado at magagalang ang mga tao. Laging may ngiti sa pagbati. Sariwa ang simoy paglapag sa paliparan, at kahit nakabukas lang ang bintana, ramdam mo ang malamig na klima. Sariwang lamandagat ang matitikman sa hapag kainan; matatamis na prutas tulad ng marang, durian, lanzones, mangosteen at marami pang iba. Magagara at naglalakihan din ang mga gusali at malls dito. Sa halip ng pagiging maliit ay ramdam na maunlad ang lalawigan. Ultimo maliliit na mga negosyo ay nabibigyan ng pagkakataong maging maalwan ang buhay ng mga may-ari at empleyado. Kadayawan ang pistang dinarayo sa Davao taon-taon na siyang pinagdiriwang tuwing Agosto.
General Santos City -- tinaguriang tuna capital ng Pilipinas. Pinakamalaking producer ng sashimi-grade tuna. Pang-export ang kalidad ng mga hinahango rito! Makikita rin dito ang mga Japanese bunkers o mga pinagtaguan ng mga Hapones noong World War 2.

Polomolok, South Cotabato -- kinaroroonan ng seven falls at Durian Park. Naroon din ang Lake Sebu kung saan matatagpuan ang tribu ng mga T’boli, kung saan nagmula ang kilalang Dreamweaver na si Be Lang Dulay.

 

BE LANG DULAY

DAVAO

DURIAN PARK

GENERAL SANTOS CITY

GINANG GENOVEBA OF MIDDLE EAST

HI WANNA BET

LAKE SEBU

MIDDLE EAST

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with