^

Punto Mo

Ang mayama’t dukha

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Bakit ba ang ating dukhang mamamayan

hindi makaahon sa karalitaan?

Sino ba ang dito ay may kasalanan

siya kaya mismo o ang mayayaman?

 

Silang mahihirap ay mula sa wala

kaya nang isilang sila ay kawawa;

at ang mayayamang sa pera ay higa

isinilang silang sa yama’y sagana!

 

Kaya anong yaman ang inaasahan

nitong mga dukha na salat sa yaman?

Kung hindi kikilos nasa karukhaan

walang kakainin anak at magulang!

 

Hindi kumikilos taong masalapi

at ang mahihirap di kinakandili;

kung sila lang sana’y mabuting ugali

itong mga dukha ay may luwalhati!

vuukle comment

BAKIT

DUKHA

KAYA

KUNG

MAHIHIRAP

SILANG

SINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with