^

Punto Mo

Anong klase kang magulang?

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

HABANG lumalaki ang anak ko, hindi maiiwasang minsan ay pinag-eeksperimentuhan niya ako  sinusubukan ang haba ng aking pasensiya at kung saang mga bagay ako babali at magbibigay-daan sa kanya. Gayundin kung saan hindi ko talaga siya pahihintulutan. Bilang isang single parent, malaking pagsubok sa akin ang pagdidisiplina sa anak o ang pagiging isang balanseng magulang gayong nag-iisa lamang ako. Gustuhin ko mang ibigay ang lahat para sa kanya, ayoko rin siyang luma­king spoiled. Gusto ko siyang disiplinahin at turuan ng leksiyon pero ayoko namang maging masyadong istrikto na lalayo ang loob sa akin ng aking anak.

Kaya naman para mahanap ko ang tamang balanse ay binalikan ko ang iba’t ibang parenting­ styles. Ang tanong ko sa inyo: Sino kayo sa mga ito? Alam n’yo bang malaki ang dulot ng inyong istilo sa pag-uugali at values ng inyong anak paglaki nito?

Ikaw ba ay Authoritarian? Maraming bawal, may karampatang parusa ang pagkakamali, kailangang sundin ang bawat sabihin ng magulang, limitado lamang ang galaw ng mga anak at kontrolado ang bawat aspeto ng kanilang buhay, kaunti lamang ang verbal exchange. Hindi maaaring magreklamo ang bata? Ang bunga sa anak: Takot mag-initiate, hindi maganda ang communication skills at laging ikinukumpara ang sarili sa iba.

Ikaw ba ay Authoritative? Hinihikayat ang mga anak na maging independent ngunit may limitasyon pa rin at kontrol sa kanilang pag-uugali, may negosasyong nagaganap. Give-and-take. May compromise? Ang bunga: Ang anak ay socially-competent o kayang makihalubilo, independent at responsable.

O ikaw ba ay isang neglectful parent? Hindi involved ang magulang sa buhay ng anak, hindi alam ang whereabouts na anak at tila “walang paki?” Kung ganito ka, ang anak ay: Nag-iisip na ang ibang aspeto ng buhay ng kanyang magulang ay mas mahalaga kaysa sa pagpapalaki sa anak. Hirap makipag-interact, hindi kayang i-handle ang independence at mahina ang self-control.

O kaya naman ay indulgent Parent? Maluwag ang magulang at kaunti o halos walang limitasyon ang anak, hinahayaan ng magulang na gawin ng anak ang anumang naisin nito. Hinay-hinay sa pagiging maluwag ha dahil ang dulot ng istilong ito sa bata: Hirap makihalubilo sa mga tao; hindi natututo ng respeto sa iba; laging gusto na makuha ang gusto nila at sa paraang nais nila; hirap ikontrol ang pag-uugali at hindi plantsado ang communication skills.

I am proud to say na ang aking­ mga magulang ay gu­ma­gamit ng kombinasyon ng authoritative at indulgent styles. Maluwag sila sa amin. Hinaha­yaan kaming magdesisyon at gumalaw ng amin subalit may gabay pa rin nila at respeto sa kanila at kapwa. Kumbaga bagamat kami ay independent at may-say, sila pa rin ang boss. Ganoon din siguro ang combination ng styles na nais kong gamitin kay Gummy.

 

ALAM

ANAK

BILANG

GANOON

HIRAP

IKAW

MAGULANG

MALUWAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with