^

Punto Mo

EDITORYAL - Problema ang illegal na droga

Pang-masa

KAMAKAILAN, isang Chinese drug trafficker ang nahulihan ng high grade shabu sa Quezon City at sa galit ni Mayor Herbert Bautista, nasampal ito. Noong Lunes, nakakumpiska na naman ng shabu sa QC na nagkakahalaga ng P75 milyon.

Mabigat ang problema sa illegal drugs sa kasalukuyan. Namamayagpag ang sindikato. Sa nangyayaring ito nararapat na paigtingin ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsisikap para wakasan ang mga salot na sindikato. Suportahan naman sila ng pamahalaan sa pama­magitan nang pagbubuhos ng pondo nang maging moderno ang kagamitan. Ang pagkakaroon ng mga drug testing at examination facilities sa maraming lugar sa bansa ay malaki ang maitutulong para mapabilis ang pag-prosecute sa mga salot sa lipunan.

Marami na ngayong addict sa shabu at guma­gawa ng karumal-dumal. Noong nakaraang linggo, ginahasa at pinatay ang isang 25-ayos na dalaga sa Calumpit, Bulacan. Mga addict na jeepney driver ang gumahasa sa kanya. Sumakay ang babae sa jeepney pero sa halip na mamasada sa ruta, dinala sa liblib ang dalaga at ginahasa at saka walang awang pinatay. Inamin ng mga suspect na naka-shabu sila.

Pati mga menor-de-edad ay naaadik na rin sa shabu. Noong nakaraang taon, isang 7-taong gulang na batang babae ang ginahasa at pinatay sa San Dionisio, Parañaque. Ayon sa mga suspek, kinidnap nila ang bata na noon ay nasa harap ng sari-sari store at dinala sa isang lugar at doon ginahasa. Nilunod nila ang bata hanggang sa mamatay. Inamin ng mga suspect na nag-shabu sila.

Marami pang malalagim na krimen na nangyari dahil sa pagkasugapa sa shabu. At walang ibang dapat sisihin sa pangyayari kundi ang mga “salot” na drug traffickers. Hindi sila tumitigil sa ope­rasyon at nagpapalakas pa. Marami silang pera para mapalaganap ang illegal na droga.

Naniniwala kami na mahalaga ang tulong ng mga pinuno ng barangay para madaling makilala ang drug traffickers. Sila ang nakaaalam ng mga tao na bagong salta sa barangay. Kung may political will ang mga pinuno ng barangay madaling makilala ang mga tulak ng droga. Makipagtulungan ang barangay sa PDEA.

vuukle comment

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INAMIN

MARAMI

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NOONG

NOONG LUNES

QUEZON CITY

SAN DIONISIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with