^

Punto Mo

Manong Wen (32)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PASENSIYA ka na po at maliit lang ang electric fan. Malamig po rito sa madaling-araw,” sabi ni Princess.

“Walang problema, Princess, sanay ako sa hirap. Kahit nga walang electric fan ay okey lang sa akin.’’

“Sige po Mang Jo, good night po.’’

“Good night Princess.’’

Nahiga na si Jo. Malambot ang kama kahit maliit. Mabango ang unan at sapin ng kama. Ito pala ang kuwarto ni Manong Wen. Napangiti si Jo, hindi naman siguro siya pagmumultuhan ni Manong Wen. At isa pa hindi siya naniniwala sa multo. At kung pagmumultuhan siya ni Manong Wen, e di mabuti, pasasalamatan niya ito sa lahat ng mga nagawa sa kanya. Magso-sorry siya rito kung bakit hindi nakadalaw. Sasabihin niyang nagkaroon siya nang mabigat na problema. Dahil sa pag-iisip sa problemang iyon ay hindi niya naalalang dalawin si Manong Wen. Ni hindi niya ito nasulatan. Hanggang sa namatay ay hindi man lang niya nadalaw. Patawad Manong Wen. Hindi na maibabalik ang lahat kaya sa mga anak na lamang nito siya gaganti. Babayaran niya ang mga nagawang kabutihan ni Manong Wen at nagawa nga niya dahil nag-aaral na si Princess. Binigyan pa niya ito ng puhunan sa pagbibibingka. Lahat nang kailangan nina Princess ay ibibigay niya.

At naisip pa ni Jo, siguro kung nasa Saudi pa si Manong Wen nang mangyari ang isa pang problema sa kanya ay baka nakaiwas siya. Wala na kasing nagpayo sa kanya ng mga gagawin. Natatandaan niya, nangyari ang problema, mga dalawang taon nang wala sa Saudi si Manong Wen. Hindi rin kasi siya nag-isip muna nang ilang beses bago gumawa ng hakbang. Tira lang siya nang tira. At bago niya na­unawaan ang lahat ay tapos na. Nakapasok na siya sa problema. Kung minsan ay luma­labas ang pagkatanga niya.

Ang problemang iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang pamilya. Iyon ang numero unong dahilan kaya siya nananatiling nag-iisa sa buhay.

At maski si Princess ay nagtataka nang sabihin niya rito na wala pa siyang pa­milya. Tinanong kasi siya ni Princess kung may pamilya at sinagot niyang wala. Naghihintay siguro ng paliwanag kung bakit.

Ikuwento kaya niya kay Princess ang mga nangyari sa kanya sa Saudi noong pa­nahong hindi na sila magkasama ni Manong Wen. Pero paano niya sasabihin?

(Itutuloy)

vuukle comment

KUNG

MANG JO

MANONG

MANONG WEN

NIYA

PRINCESS

SIYA

WEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with