^

Punto Mo

Pinakamatandang swimmer tinawid ang English Channel

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 70-anyos na swimmer sa Australia ang nakapagtala ng bagong world record bilang pinakamatandang swimmer na nakatawid sa English Channel.

Si Cyril Baldock ng Sydney ang pinakamatandang swimmer na natawid ang 34 kilometrong haba ng English Channel. Nabura niya ang dating record ng isang manlalangoy mula sa Britain.

Inabot si Baldock ng 12 oras at 45 minuto para matawid ang English Channel. Aminado si Baldock na hindi naging madali sa kanya ang paglangoy. Ikinabahala niya ang ika-10 oras ng kanyang paglangoy dahil naram­daman ang matinding pagod sa kanyang mga braso. Akala niya ay hindi na siya makakapagpatuloy suba­lit nagawa niyang magamit ang natitirang lakas upang matapos ang pagtawid.

Hindi ito ang unang beses na natawid ni Baldock ang English Channel. Natawid na niya ito noong 1985. Naisip niyang gawin ulit ito ngayong matanda na para sa alaala ng kanyang mentor at coach na namayapa bago nito natawid ang Channel.

Inaasahan na hindi magtatagal ang world record ni Baldock dahil may Austral-yanong lola na ang edad ay 73-anyos ang nagbabalak languyin ang English Channel.

 

vuukle comment

AMINADO

BALDOCK

CHANNEL

ENGLISH CHANNEL

IKINABAHALA

INAASAHAN

INABOT

NABURA

SI CYRIL BALDOCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with