^

Punto Mo

Peryahan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG nais ni DILG Sec. Mar Roxas na makatulong sa “tuwid na daan” program ni Pres. Aquino, ang dapat n’yang gawin ay ipasara ang lahat nang peryahan sa buong bansa na may palarong color games at iba pang sugal. Sa totoo lang kasi, itong peryahan ay primerang source ng corruption hindi lang ng kapulisan natin at ibang government agencies kundi maging sa hanay ng media. Ang mga peryahan ay walang permit sa mga LGUs at kung meron man ‘yaon ay para lang sa mini carnival. Sa ilalim kasi ng operation ng mini carnival dapat ang palaro dun ay tulad ng bingo, ferris wheel o iba pang mga pagkakalibangan. May kita rin ang may-ari ng mga mini carnival sa legal na palaro subalit mas malaki ang kita kapag merong color games at iba pang klaseng sugal. At dahil may illegal na nga ang peryahan, aba dinudumog na sila ng mga pulis, at ahente ng NBI, GAB at pati media para sa lingguhang intelihensiya, na ibinibigay naman ng financiers para hindi magambala ang operations nila. Sinabi ng mga kosa ko na halos magkapalitan ng mukha ang pulis, NBI, GAB at media sa pag-orbit sa mga peryahan. O di ba maliwanag na corruption ‘yan, Sec. Roxas Sir? Kapag naipasara mo ang mga peryahan, Sec. Roxas, t’yak aani ng pogi points ang “tuwid na daan” ni P-Noy at makakatulong ito para maiangat ang tsansa mo sa 2016 elections, di ba mga kosa? Hehehe! T’yak ‘yun!

At para maniwala ang sambayanan na seryoso ka Sec. Roxas Sir, unahin mong buwagin ang peryahan nina Tessie Rosales, na tinaguriang Reyna ng mga Pergalan; Baby Panganiban alias Tomboy, na presidente ng samahan nila; alyas Jessica; alyas Egay at alyas Emily, na kilala bilang Top 5 perya operators sa Calabarzon area. Bilang giya ni Roxas ang pergalan ni Rosales ay matatagpuan sa Mauban, Quezon; sa Nagcarlan, Bay, at puesto piho sa tabi ng Jollibee fastfood chain sa San Pablo City sa Laguna; sa Rosario, Taysan, Lemery at Padre Garcia sa Batangas; puesto piho pa sa may Andoks sa Batangas City at sa Silang, Cavite. Si Panganiban naman na taga-Calamba City ay may puwesto sa malapit sa Camp Vicente Lim sa Bgy. Mayapa sa Laguna at sa Bgy. Darasa sa Tanauan City sa Batangas; si Jessica na taga-Bulacan sa Carmona at Tanza, Cavite; si Egay sa EPZA sa Cavite, at si Emily may puesto piho malapit din sa Jollibee sa boundary ng Bacoor, at Zapote. May pergalan naman si Arnold sa Antipolo Cty, ang kapatid ni Emily na si Nelma sa Binangonan, at si Jonnie sa Taytay, kapwa sa Rizal; si Ronnie sa Bacoor, Cavite at sina Boy Life at Ivy M. sa Bgy. Langkawa, Phase 3 sa Biñan, Laguna. Hehehe! Ang dami pala nitong peryahan sa Calabarzon area Sec. Roxas Sir!

Ang lahat ng pergalan na ito Sec. Roxas Sir ay nagbibigay ng weekly kay Rosales para sa pulis, NBI, GAB at media, anang mga kosa ko. Si Aleng Tessie din ang ginagamit na kolektor ni PO3 Jhong Valero ng CIDG, para sa opisina ni Col. Fidel, ang provincial director ng Batangas. Dapat ikumpas kaagad ni Roxas ang kamay na bakal n’ya laban sa peryahan para mabawasan ang corruption sa ating lipunan, ‘yan ang panawagan ng mga magulang na kausap ko. Abangan!

ANTIPOLO CTY

BATANGAS

BGY

CAVITE

PARA

PERYAHAN

ROXAS

ROXAS SIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with