^

Punto Mo

Dagdag puwersa ng pulisya, kailangan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sinimulan nang isabak sa labas ang may 100 pulis na  dating nasa administrative duty sa loob ng Camp Crame.

Gagamitin na sila sa anti-crime campaign ng PNP  sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular sa mga crime-prone areas dito.

Dagdag police visibility, ayon sa pamunuan ng PNP,  para umano matugunan ang matinding pangangailangan ng mga pulis na nakabantay sa labas o sa lansangan laban sa mga gumagalang mga kriminal at kawatan.

Ang 100 pulis na ito ay hahatiin ng NCRPO  sa limang police district.

Unang deployment pa lang umano ito, dahil nauna  nang sinabi ng DILG na aabot sa 900 pulis ang isasabak sa anti-criminality campaign sa Metro Manila sa susunod na buwan sa pagpasok nga ng ‘ber month’. Ito yung kanilang mga bagong recruit.

Sangkaterbang batikos ang tinanggap ng PNP dahil sa paglala at pagtaas umano ng krimi­nalidad lalo na sa Metro Manila, partikular dito ang pamamayagpag ng riding in tandem suspects.

Bagamat hindi  dapat pang ipangatuwiran, nakikita rin naman na isa sa dahilan ang   kakulangan sa bilang ng mga pulis sa bansa.

Dito lamang sa Metro Manila kung saan aabot sa 18,000 personnel lamang ang  nagbibigay proteksyon sa 12 hanggang sa 15 milyong mamamayan.

Nasa 1:500 ang police to population ratio.

Kahit pa nga raw ilabas lahat ng pulis sa mga opisina eh talagang may malaking diprensiya sa bilang nila at bilang na dapat nilang mabantayan.

Sana nga ay matupad ang mga  panawagan na kailangan ang karagdagang 25,000 pulis sa taong 2015 at ganito ring bilang sa taong 2016.

 

BAGAMAT

CAMP CRAME

DAGDAG

DITO

GAGAMITIN

METRO MANILA

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with