^

Punto Mo

‘Salamangkerong dorobo’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

INAALERTUHAN ang mga kahera sa mga retail store, supermarket at convenience store, mag-ingat sa mga “salamangkero.”

Ito ang mga indibidwal na kunwari’y bibili ng isang produkto pero ang target, manglito para makasalisi at makapanloko.

Gamit ang isang daan at isang libong pisong papel na buo, naisasagawa nila ang kanilang modus.  

Nitong Biyernes, ibinisto ko sa BITAG T3 ang estilo ng kanilang panloloko kung saan ang isang lalaki ay nagtangkang manalisi sa kahera ng isang maliit na tindahan.

Sa bidyong nakuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, nakitang bumili ng soft drink ang kumag. Bilang kabayaran, iniabot nito ang isang libong pisong papel na buo.

Dahil P28.00 lang ang halaga ng biniling inumin, ang tindera agad nagbilang ng panukli. Pero nang tangkang iaabot na niya ang sukli, ang kumag agad nag-abot ng baryang P28.00.

Eksakto na  lang daw ang kaniyang ibabayad at kukunin na niya ang naunang ibinigay na P1,000.

Kapag ikaw ay papatay-patay at hindi listo, malulusutan ka ng mga putok sa buho. Dahil sa oras na hinawakan na ng salamangkerong kustomer ang P1,000 may nakahanda na itong BITAG.

Bago pa man kasi niya iabot ang P1,000, nasa kamay na rin niya ang isang P100. Ito ang papalabasin niyang iniabot ng kahera at makikipagtalong nagkamali ito.

Kaya paalala ng BITAG Live sa mga kahera, tindero’t tindera, mga empleyado at mga nagbabantay sa mga pamilihan, maliit man o malaking establisimento, maging ‘lerto, ‘listo at atentibo sa lahat ng oras.

Baka kasi pagsamantalahan kayo ng mga putok sa buhong may maitim na balakin para ma­dugasan habang kayo ay talelong at lito.

Tandaan, bago pa man isagawa ng mga dorobong salamangkero ang kanilang modus, napag-aralan na nila ang kanilang mga magiging biktima.

Upang makaiwas sa ganitong mga uring modus, mag-log on sa  bitagtheoriginal.com  at i-click ang ‘MODUS BUSTER.’

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

BILANG

DAHIL

EKSAKTO

ISANG

NITONG BIYERNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with